30 pinaghihinalaang positibo sa monkeypox sa Thailand, nag-negatibo sa sakit

INIULAT na negatibo sa monkeypox ang 30 indibidwal na naging close contact ng 2 positibong kaso ng monkeypox sa Thailand.
Ayon sa Disease Control Department, magpapatuloy ito sa pagte-trace ng mga pinaghihinalaang kaso ng monkeypox.
Ang unang kaso ay ang 27-taong gulang na Nigerian na ngayon ay nasa Cambodia na at ginagamot roon at ang isa naman ay isang Thai national.
Ayon naman sa ahensya, inihayag ng World Health Organization na hindi na kailangan ng malawakang pagbabakuna laban sa impeksyon ng monkeypox pero ang mga indibidwal na may mataas na risk ng impeksyon gaya ng frontline medics ay kinakailangang mabakunahan.
Ayon sa huling sitwasyon ng monkeypox sa buong mundo, higit 22 libong kaso na ang kaso na naiulat sa 76 na bansa kung saan ang pinakamataas na incident rate ay ang Estados Unidos.
Comments
Post a Comment