SSS, hinabol ang mga hindi nagbibigay ng tamang kontribusyon sa Makati at QC

MATINDING pag-iikot ang isinagawa ng Social Security System (SSS) sa bahagi ng Quezon City at Makati City ngayong araw ng Biyernes.

Ito ay upang isa-isahin ang mga establisimyento na hindi tumatalima sa kautusan alinsunod sa Republic Act 11169 o ang tinatawag na Social Security Law.

Sa bahagi ng Quezon City, nasa 10 employers ang inikot ng ahensiya upang isyuhan ng show cause order dahil sa hindi tamang pagbibigay ng kontribusyon sa kanilang mga empleyado.

Sinabi ni Attorney Renato Cuisia, head ng Legal Services Division ng SSS Congressional  Branch isa lamang ito sa kanilang hakbang upang paaalahanan ang mga negosyante na sumunod sa umiiral na batas.

Ang kabiguang hindi pagbabayad ng kontribusyon ng mga employer ay malaking epekto para sa mga empleyado dahil maaaring hindi nila matatanggap ang mga benepisyong ipinagkakaloob ng SSS.

Kabilang ang maternity loan, retirement loan, funeral loan, sickness loan, educational loan, privilege loan, calamity loan at iba pa.

Dahil dito, mahigpit na nagpaaalala ang ahensiya sa mga employer na tumalima sa Social Security Laws upang maiwasan na mapatawan ng mabigat na kaparusahan gaya na lang ng pagkakakulong na aabot sa 6-12 taon.

Sa Quezon City, iba’t ibang industriya ang pinuntahan ng SSS upang isyuhan ng show cause order.

Sa pag-iikot ng SSS sa lungsod, isang tailoring ang kabilang sa mga lumabag sa kautusan, napag-alaman na halos abutin na ng P5 milyon ang kailangan nitong bayaran na kontribusyon.

Samantala, pinangunahan din ng SSS Guadalupe Branch ang naturang surprise visit operation sa mga delinquent employer sa lungsod ng Makati.

Napag-alaman ng SSS na marami pa ring employer sa bansa ang hindi pa rin makasunod sa regular na pagbabayad ng SSS premiums ng kanilang nga trabahante.

Para kay Alan Reyes, isang negosyante, hindi naman siya nagulat sa ibinigay ng billing ng SSS dahil sa epekto na rin ng pandemiya dulot ng COVID-19.

Siya rin ang sumagot sa pagtira ng mga empleyado niya kasunod ng ipinatupad noon na lockdown sa Metro Manila.

Aniya, sadyang nahihirapan sila sa ngayon kahit bumalik na ang maraming tao sa lansangan.

Gayunpaman, pipilitin pa rin nila ang mag-comply kaysa maapektuhan ang kanilang negosyo.

Ayon sa SSS-NCR, naiintindihan nila ang epekto ng pandemya, pero higit rin anila na malaking epekto ito sa mga manggagawa sa pag-aakala’y sila ay regular na mayroong kontribusyon sa ahensiya.

Mayroon din namang installment program ang SSS para sa mga employer na apektado ng kasalukuyang pagtama ng pandemya dulot ng COVID-19.

Sa kabuuan, umabot na sa mahigit 100 operasyon ang isinagawa ng SSS-NCR kung saan umabot sa halos P10 milyon ang nakolekta nito sa mga delinquent employers sa rehiyon.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon