ORCC, ilulunsad ng pamahalaan para sa mga OFW na nanganganib ang buhay

IPINAHAYAG ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakatakdang ilunsad ng pamahalaan ang One Repatriation Command Center (ORCC) para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na naiipit sa kaguluhan o kaya naman ay nakararanas ng pang-aabuso at nanganganib ang buhay.

Ayon sa Pangulo, maglalaan ang Department of Migrant Workers (DMW) ng isang social media platform at hotline upang matulungan agad at maligtas ang mga OFW mula sa mas higit na kapahamakan.

Samantala, sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan ang gobyerno sa pamahalaan ng Saudi Arabia upang buksan muli ang deployment.

Sa katunayan, sa mga susunod na buwan ay magtutungo si DMW Sec. Susan Ople sa nasabing bansa upang tiyakin na may sapat na pwersang magsisiguro na mabubuksan muli ang empleyo sa bansa at para maisulong ang kampanya laban sa human trafficking.

Hinangaan at pinasalamatan naman ng Pangulong Marcos ang mga mambabatas na nagpasa sa panukalang batas na maglilikha sa DMW at sa dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na siyang lumagda sa nasabing panukala upang ito ay maging isang ganap na departamentong tututok sa kapakanan ng mga OFW.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon