Matagumpay na programa ng NTF-ELCAC, dapat suportahan ng isang lider – expert

DAPAT suportahan ng kahit sinong lider ang nagawa na ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Sa panayam ng SMNI News kay Malou Tiquia, ang Founder at CEO ng PUBLiCUS Asia.
Sinabi nito na ang taumbayan ang mismong nagsasabi na mahalaga ang usapin hinggil sa insurhensiya.
Batay aniya sa kanilang huling survey, 56% sa mga Pilipino ang umaasang mabanggit ang NTF-ELCAC at gusto nilang marinig ang plano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA).
Kahit pa aniya sinabi na ni Pangulong Marcos na ipagpapatuloy nito ang programa ngunit kailangan din nitong liwanagin kung alin doon sa programa ang kanyang tututukan.
Inihayag din ni Tiquia na hindi na kailangan pang baguhin ang isang bagay na nagtagumpay na kaya dapat itong suportahan.
Ipinunto rin nito na dapat bigyan na ng solusyon ang mga problema na matagal na nating alam.
Nilinaw naman nito na hindi personal ang kanyang puna dahil ang paglilingkod ay kasama na ang kritisismo dahil ang tagumpay ng isang Pangulo ay tagumpay rin ng taumbayan.
Iginiit din nito na ang isang lider ay napakahalaga hindi lang magaling magsalita bagkus dapat din aniyang magaling sa gawa.
Comments
Post a Comment