Panukalang 2023 national budget, sentro ng diskusyon sa Cabinet meeting ngayong araw

MULING pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Cabinet meeting sa Aguinaldo State Dining Room sa Malacañang Palace ngayong araw, Hulyo 29.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na kabilang sa natalakay sa pulong ang patungkol sa proposed 2023 national budget.

“Nagkaroon kami ng Cabinet meeting nitong umaga, 9 o’ clock. It was a special Cabinet meeting. Ang pinag-usapan po namin ay tungkol sa budget. Nagpresenta po ang Department of Budget and Management, at ipinakita iyong proposed submission for Congress,” ayon kay Cruz-Angeles.

Sa official Facebook page ng Office of the President, nakasaad dito na ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon ay 4.9 percent na mas mataas kaysa sa PHP5.024 trillion 2022 national budget.

Makakukuha ng pinakamalaking funding ang mga sektor ng edukasyon, kalusugan, imprastraktura at agrikultura.

Nabanggit naman ng Press secretary na kasama rin sa prayoridad sa proposed national budget para sa 2023 ang may kaugnayan sa ‘rightsizing’.

“Well, the topmost of course is still the rightsizing. But the same priorities hold true, the Constitution requires the biggest budgetary allocation for education. So, it’s still the same. Hindi po masyadong nagbago from last year. I would like to remind you that most of the budget was created by the last administration,” ayon kay Cruz-Angeles.

Pagdating naman sa COVID-19 response, saad ni Cruz-Angeles, wala pa silang detalye kung magkano ang inilaang pondo para dito.

Kaugnay nito, nakatakdang isumite sa Kongreso ang 2023 proposed national budget sa Agosto 22.

Bago nito, naka-iskedyul munang isumite ang Budget Documents sa Office of the President sa Agosto 19.

Sa ngayon, patuloy na isinasapinal ang proposed budget.

Isasagawa ng DBM ang pag-imprenta ng budget documents na kinabibilangan ng pag-imprenta ng National Expenditure Program (NEP), Budget of Expenditures and Sources of Financing, Staffing Summary, at ang President’s Budget Message.

Bukod sa budget, may mga kaunting inputs din galing sa iba’t ibang mga kalihim.

Napag-usapan din sa Cabinet meeting ang patungkol sa balik-eskwela ng Department of Education (DepEd).

Binati rin si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos doon sa 60-kilos na drug-bust na ginawa sa Pampanga.

At sa unang pagkakataon, nakasama na si Chief Presidential Legal Counsel Secretary Juan Ponce Enrile sa mga dumalo sa Cabinet meeting sa Palasyo ng Malakanyang.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon