Tourism infrastructure, patututukan ni Pangulong Marcos

BIBIGYANG prayoridad ng Marcos administration ang tourism infrastructure sa bansa.
Sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) kahapon, naniniwala si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na mahalaga ang papel ng turismo upang mas makilala ang ‘Filipino brand’.
Dagdag pa ni Pangulong Marcos na ang turismo ay hindi lamang mahalaga sa paglago ng ekonomiya ng bansa pero maging sa pagpaparami ng trabaho.
Kaya isa sa kaniyang plano ay ang pagpapaunlad ng tourism infrastructure sa bansa.
Suportado ng Tourism Department ang mga plano at programa ni Pangulong Marcos kabilang na rito ang pagbibigay ng pantay-pantay na oportunidad sa lahat ng mga tourist destination sa bansa sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Inaasahan din ng kagawaran na mas dadami pa ang job opportunities dahil sa pagpatatayo ng mga kalsada at paliparan sa bansa.
Ayon pa kay DoT Sec. Christina Frasco, alam na alam ng presidente ang pangangailangan ng nasabing industriya kaya paglalaanan aniya ito ng gobyerno ng mas karapat-dapat na budget.
Sa ngayon, patuloy ang pag-iikot ni Frasco sa pamamagitan ng kaniyang ‘listening tour’ sa iba’t ibang lugar sa bansa upang makipagpulong sa mga DOT regional offices at stakeholders.
CAPTION: Pantay na oportunidad sa lahat ng rehiyon, tiniyak ng incoming Tourism secretary
Comments
Post a Comment