Total exported products ng Thailand, tumaas sa 11.9%

UMABOT sa 11.9% ang total exported products ng Thailand sa buwan ng Hunyo ngayong taon.
Base sa opisyal na datos ng Commerce Ministry nitong Miyerkules, nagkakahalaga ng USD26.55 billion ang kabuuang exported products ng bansa noong nakaraang buwan.
Inihayag din ng ahensya na sa unang anim na buwan ngayong taon aabot na sa 149.18 billion dollars ang na-export ng Thailand o 12.7% sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.
Kung maaalala nasa 24.5% o 28.08 billion dollars naman ang kabuuang imported products ng bansa dahilan upang magkaroon ito ng trade deficit na 1.53 billion dollars.
Samantala, nangunguna naman ang bansang Estados Unidos, Japan at China sa pinagkukunan ng mga produkto ng Thailand.
Comments
Post a Comment