Kaso ng dengue ngayong taon, halos 74,000 na

PUMALO na sa 73,909 ang naitalang kaso ng dengue sa bansa simula noong Enero 1, 2022 hanggang Hulyo 2, 2022.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Health OIC Undersecretary Maria Rosario Vergeire na 18,699 dengue cases ang naitala mula Hunyo 12 hanggang Hulyo 9, 2022.

Ayon kay Vergeire, ang mga rehiyon na may pinakamaraming kaso ng dengue ay sa Central Luzon, Cagayan Valley, at National Capital Region.

Sa ngayon aniya ay patuloy ang kanilang kampanya laban sa dengue kung saan pinakikilos na nila ang mga local government units para gawin ang 4S strategy at paganahin na ang kanilang dengue brigades.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon