DBM, aprubado na ang P4.13-B special aid para tulungan ang mga mahihirap na pamilya na apektado ng inflation

APRUBADO na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P4.13 bilyong special allotment para tulungan ang mga mahihirap na pamilya na apektado ng inflation.

Sa isang pahayag, sinabi ng DBM na inaprubahan na ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang Special Allotment Release Order sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa cash aid ng mga mahihirap sa pamamagitan ng Targeted Cash Transfer (TCT).

Sa ilalim ng programa, ang bawat non-4Ps beneficiary na tinukoy ng DSWD ay makatatanggap ng P500 kada buwan sa loob ng 2 buwan. Inaasahan naman na mahigit 4 milyong benepisyaryo ang mabebenepisyuhan ng second trance allocation.

Sinabi ni Pangandaman na maaring mapalawig ang tulong hanggang kaya ng pamahalaan ang pondo.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon