Dating domestic helper, tumatakbo para sa lokal na posisyon ng City council sa Vancouver

ISANG Pinay na dating domestic helper at ngayon ay isang business owner, author ang tumatakbo sa lokal na posisyon sa city council ng North Vancouver.

“I came to Canada in 1990’s as a nanny and  I have been here now for almost 32 years,” ayon kay Me Ann, dating OFW at ngayon ay business owner/author.

Isang single mother si Me Ann, sa kanyang pagsusumikap ginawa ni Me Ann ang lahat pati ang pag-aaral sa night school, community at weekend classes habang namamasukan sa kanyang kagustuhan na umangat sa pamumuhay at matupad ang kanyang mga pangarap.

Ngayon ay isa na ngang ganap na business owner ng isang manpower agency para sa mga caregiver at nanny na nakatulong ng maraming pamilya mula sa Pilipinas na makarating sa Canada at nakapaglathala ng 4 na libro patungkol sa kanyang mga pinagdaanan.

“Marami akong pinagdaanang hirap, pagkatapos ko naging nanny naglinis din ako ng bahay, to the point na dahil masaya ang pinaglilinisan ko napalaki ko yun,” dagdag pa nito.

Likas na kay Me Ann ang tumulong hindi lang sa kanyang mga kababayan pati na rin sa kanyang lokal na komunidad.

“I love helping people, I love serving people and hopefully I can make a difference,” ayon pa kay Me Ann.

Mula sa mga karanasang ito ay ninais ni Me Ann na maging isang ganap na public servant sa Canada upang mas matulungan pa ang mga kababayang Pilipino.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon