Publiko, patuloy na pinag-iingat kasunod ng malakas na lindol sa Abra

PINAALALAHANAN ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang publiko na manatiling mapagbantay, magsagawa ng pag-iingat, at sundin ang babala ng mga awtoridad.

Ito ay kasunod ng magnitude 7.0 na lindol na tumama sa Abra na naramdaman din sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Una nang pinulong ni Defense OIC Senior Undersecretary Jose Faustino Jr. ang kanyang mga opisyal upang magkaroon ng assessment at tugon sa epekto ng lindol.

Tiniyak din nito ang 200 milyong pisong quick response funds para sa mga apektadong local government units (LGUs).

Nabatid na may mga naiulat na pinsala sa imprastraktura at pribadong istruktura at pagguho ng lupa sa ilang lugar.

Naka-deploy rin ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), at Bureau of Fire Protection (BFP) para sa search, rescue, at retrieval operations sa pangunguna ng LGUs.

Gayundin ang pagsasagawa ng aerial inspections ng Philippine Air Force (PAF).

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon