Burol ni dating Pangulong Ramos, bukas na para sa mga opisyal ng gobyerno

OPISYAL nang binuksan ngayong araw ang burol ng na-cremate na mga labi ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa Heritage Park sa Taguig City.

Unang opisyal na dumating sa lamay ni Ramos si Labor Secretary Bienvenido Laguesma.

Base sa inilabas na schedule ng pamilya Ramos, alas-7 ng umaga hanggang alas 2:30 ng hapon ang nakalaang oras para sa pagbisita ng mga government officials.

Alas-3 hanggang 4:30 ng hapon naman para sa naging bahagi ng Gabinete ni Ramos at sa Ramos Peace and Development Foundation Inc.

Bukas ay ibang grupo naman ang papayagang makadalaw sa burol.

Nakatakda naman ang libing sa Agosto 9, alas-10 ng umaga sa Libingan ng mga Bayani.

BASAHIN: Pres. Marcos, bumisita sa burol ni ex-Pres. Fidel Ramos; Mga nagawa ni FVR, sinariwa

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon