5.5 milyong pamilya, nangangailangan ng ayuda – DSWD

AABOT sa 5.5 milyong pamilyang Pilipino ang mahirap at kailangan ng assistance base sa survey na ginawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) simula pa noong taong 2019.
Kalimitan sa mga pamilyang ito ay mula sa Bicol Region, Western Visayas at Bangsamoro.
Ayon sa DSWD, sumailalim sa scientific process at validation ang listahan 3 o ang National Household Targeting System for Poverty Reduction ng DSWD.
Gumamit ang DSWD ng algorithms sa pag-compute ng mga variable gaya ng income, expense at iba pang salik.
Dagdag pa ng DSWD, walang benepisyo ang mabibigay kaagad sa 5.5 million na natukoy na pamilya ngunit ang mga pamilyang ito ay maisasali sa 4Ps program.
Saad ni DSWD Sec. Erwin Tulfo, babawasan pa ang listahan sa mga susunod na 3 buwan upang ma-accommodate ang 4.4 million na benepisyaryo ng 4Ps.
Ang listahan din na ito ang magiging basehan ng gobyerno at iba pang civil society organizations sa pagbibigay ng financial aid at iba pang programa tulad ng 4Ps.
Dagdag pa ni Tulfo, hindi ilalathala ang listahan dahil sa Data Privacy Act ngunit sasabihan ang mga kasali.
Comments
Post a Comment