Pangulong Marcos, tutungo sa Abra matapos ang naranasang lindol

LILIPAD patungong Abra si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasunod ng naranasanang malakas na lindol doon.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Press secretary Trixie Cruz-Angeles na tutungo si PBBM sa Abra, ang epicenter ng magnitude 7 na lindol para alamin ang sitwasyon doon.

Sa ngayon aniya ay nakikipag-ugnayan ang pangulo sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRMMC) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinabi ni Cruz-Angeles na ipinag-utos ni PBBM ang agarang pagpapadala ng rescue at relief teams sa Abra at iba pang lugar na tinamaan ng lindol.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo