Panukalang Anti-Bullying Act, palalakasin ng PBA Party-list – Rep. Migs Nograles

ISINASAPINAL na ng Pwersa ng Bayaning Atleta (PBA Party-list) ang ginagawa nilang panukala na Anti-Bullying Act.

Sa naging panayam ng SMNI News kay PBA Partylist Rep. Migs Nograles, saklaw ng kanilang magiging panukala ang lahat ng uri ng bullying.

Hindi lang ito nakatutok sa mga bata na nasa paaralan gaya ng nakasaad sa kasalukuyang batas ng bansa.

Maliban pa dito, sisilipin din ayon kay Rep. Nograles kung ano ang magagawa nila sa usaping maprotektahan mula sa pornograpiya ang mga kabataan.

Samantala, ang PBA Partylist din ang naghain ng House Bill No. 1365 o ang panukalang Domestic Violence Act of 2022 kung saan layunin nito na maprotektahan din ang mga asawang lalaki na ika nga ay “under the saya”.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon