North Luzon Command, nag-alay ng gun salute para kay dating Pangulong Fidel Ramos

KASUNOD ng pagpanaw ni dating Pangulong Fidel Valdez Ramos, agad na nagpakita ng pakikidalamhati ang pamunuan ng North Luzon Command (NOLCOM) ng Philippine Army.

Alas singko kaninang madaling araw nang mag-alay ng 8 gun salute ang North Luzon Command headquarters.

Pakikiisa ito sa pagpanaw ng dating ika-12 na Commander-in-Chief ng bansa.

Matatandaang, unang naging bahagi ng Philippine Constabulary si Ramos mula 1972-1986 at bilang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula 1986-1988.

Naging pinuno rin ang dating pangulo sa Department of National Defense (DND) mula 1988-1991.

Ayon sa NOLCOM, 8 gunfires sa bawat kalahating oras ang iaalay nila hanggang alas singko ng hapon.

Naka-half mast rin ang Watawat ng Pilipinas ng NOLCOM.

Nauna na ring sinabi ng AFP na hindi nito makakalimutan ang kontribusyon ni dating Pangulong Ramos sa kanilang hanay partikular na sa paninilbihan nito bilang pangulo ng Pilipinas at pagtataguyod ng kapayapaan sa bansa.

“We shall honor his passion and exemplary commitment to public service, and continue to carry on his aspiration for a just and lasting peace in our country,” ayon sa pahayag ng AFP.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon