Posts

Showing posts from March, 2023

Hannah Arnold, nasa Japan na para sa Miss Int’l pageant

Image
KASALUKUYAN nang nasa Japan ang representative ng Pilipinas sa Miss International Philippines na si Hannah Arnold! November 30 nang umalis si Arnold sa bansa. Matatandaang isang send-off press conference na ang isinagawa ng Bb. Pilipinas Charities Inc. (BPCI) para kay Hannah sa Novotel Manila Araneta City, Quezon City noong November 15. Ang coronation night ng Miss International 2022 ay isasagawa ngayong December 13 sa Tokyo Dome City Hall, Japan. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Binubuong programa ng DepEd na ‘National Culture for Peace’ sesentro sa ‘peace-building’ para sa mga bata

Image
LAYON ng Department of Education na maging ‘peace-builder’ ang mga bata sa pamamagitan ng binubuo nitong programa na ‘National Culture for Peace’. Tampok sa programang SMNI Exclusive kasama ni SMNI Honorary Chairman Pastor Apollo C. Quiboloy ,  si Vice President at Education Secretary Inday Sara Duterte , nitong Huwebes Disyembre 1. Sa panayam nito, ibinahagi ni VP Duterte na alkalde pa lamang ng Davao City ay nasaksihan na niya kung paano masira ang kinabukasan ng mga kabataan dahil sa pagre-recruit ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army – National Democratic Frond (CPP-NPA-NDF). ‘’Nakita ko kasi talaga ‘yung mga nasisira na buhay ng mga kabataan kapag hindi nila natatapos ‘yung pag-aaral nila, sumasama sila sa NPA. Noong first term ko as Mayor, mayroon tayong isang parent dito sa Davao City, lumapit siya sa akin, sabi niya, “Inday Sara, ‘yung aking anak nag-aral sa University of the Philippines Diliman and I can’t seem to find her right now,” ayon kay VP Sa...

PBBM, kuntento sa performance ng OIC ng DOH at DND

Image
INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na masaya at kuntento siya sa performance ng temporary heads ng ilang ahensiya gaya ng Department of Health (DOH) at Department of National Defense (DOF) . Ginawa ng Punong Ehekutibo ang naturang pahayag sa isang media interview sa gitna ng dinaluhang Kadiwa ng Pasko Caravan sa Quezon City nitong Huwebes. Dagdag pa ni Pangulong Marcos, wala pang ni-nominate na mamumuno sa mga nabanggit na government agencies. Sa parte ng DOH, sinabi ni Pangulong Marcos na ginagampanan nang maayos ni Health OIC Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang kanyang trabaho.  “Wala, we just go to the process. Wala pa kaming DOH. Wala pa kaming nino-nominate. Usec. Vergeire is doing a fine job. Kasi we are still not out of the pandemic. So we have to continue to be careful,” ani Pangulong Marcos. Masaya rin aniya si Pangulong Marcos sa performance ng DND OIC.  “Sa DA, sa DND no, I think… happy ako with the situation as it is now. We’ll see. T...

Kahalagahan ng pagkakaroon ng sovereign wealth fund ng Pilipinas, ipinaliwanag ni Rep. Sandro Marcos

Image
INIHAIN kamakailan sa Kamara ang House Bill 6398 o ang Maharlika Investment Fund Act. Ang isa sa mga may akda nito ay si Presidential son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos. Sa panayam ng SMNI sa batang Marcos, ipinaliwanag nito na nilalayon ng panukala na itatag ang sovereign wealth fund ng Pilipinas na tatawaging Maharlika Investment Fund o MIF. Unang pagkakataon nito na may ganitong inisyatibo sa bansa. Ngunit paano nga ba ito makatutulong sa mga Pilipino? “Nakipag-usap kami sa DOF, sa DBM actually matagal na nilang pinaplano. Noong nagsimula ang ating Pangulo ay sinabi din niya na kailangan na tayo magtayo ng sovereign wealth fund para naman yung mga proyekto ng gobyerno na kailangan ng pondo ay pwedeng gamitin ang kita ng sovereign welfare fund na ilagay sa mga priority programs,’’ ayon kay Rep. Sandro Marcos. Nakasaad sa panukalang batas na ang MIF ay makakapagbigay sa mga government financial institutions kagaya ng GSIS, SSS at DBP ng pagkakataon na makamit ang pinaka...

Lydia Ko ng New Zealand, number 1 muli sa golf world rankings

Image
MULING itinanghal na number 1 sa women golf world rankings si Lydia Ko ng New Zealand . Kasunod ito sa pagkapanalo niya sa LPGA Tour Championship isang linggo na ang nakalipas. Una nang nag-number 1 sa ranking si Ko noong February 2 hanggang June 14, 2015. Naging number 1 din ito muli mula October 2015 hanggang June 2017. Maliban pa dito, nakasungkit na rin si Ko ng silver medal para sa New Zealand noong 2016 Olympics sa Brazil at bronze sa 2021 Olympics sa Tokyo. Follow SMNI News on Twitter

3 unibersidad sa UAE, kabilang sa top 1,000 universities sa mundo

Image
TATLONG unibersidad mula sa United Arab Emirates ( UAE) ang nakapasok sa top 1,000 education institution sa mundo. Ayon sa research.com inaugural report, ang Khalifa University of Science and Technology, University of Sharjah at New York University of Abu Dhabi ay top three higher education institution sa bansa at kabilang din sa top 1,000 list. Ang inaugural edition ng research.com ranking ng top universities sa mundo ay base sa metrics na nakuha mula sa Microsoft Academic Graph. Kabilang sa proseso ng ranking ang detalyadong eksaminasyon ng higit isandaan at animnapu’t anim na libong researchers ng Google scholar maging ng Microsoft Academic Graph. Samantala, kabilang din sa pagsasaliksik na ito ang pinakanangungunang paaralan sa bawat bansa. Sa kabuuan halos mga unibersidad mula sa Estados Unidos ang nanguna sa listahan kung saan 230 institusyon mula roon ang napabilang dito. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Saudi Arabia, pumirma ng $7-B na halaga ng hydrogen deal sa Thailand

Image
PUMIRMA ang Saudi Arabia renewable developer na ACWA Power ng pitong bilyong dolyar na kasunduan kasama ang dalawang Thai state owned companies para mag-develop ng green hydrogen sa Thailand. Ang ACWA Power ay isang nangungunang Saudi developer operator at investor ng power generation sa buong mundo. Ang dalawa na state owned firms ng Thailand na pumirma ng kasunduan dito ay PTT Public Company Limited (PTT) at Electricity Generating Authority of Thailand. Ang memorandum of understanding ay makakatulong sa Thailand na matustusan ang domestic need nito sa enerhiya. Una nang nangako ang Thailand na nais nitong maging carbon neutral sa taong 2050 at maabot ang net zero emission sa taong 2065. Inihayag din ng Thailand na magkakaroon ito ng Six-Point Plan para masiguro ang pagkakamit ng hangarin nito sa carbon neutrality. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

‘Revenge travel’ dahilan ng pagdami ng mga turista sa Zamboanga del Norte

Image
DAHIL sa pagluwag ng COVID restrictions sa bansa ay muling na-enjoy ang mga turista sa pag-iikot sa Pilipinas partikular na sa Zamboanga del Norte . Sino nga bang hindi mapapagala matapos ang dalawang taong naging limitado ang galaw ng marami sa atin. At ngayong lumuluwag na ang COVID-19 restriction marami sa atin ang nais magbakasyon. Lalo na ngayong Christmas season, kaniya-kaniyang nang plano ang mga turista sa kanilang holiday getaway. Sa Zamboanga del Norte ramdam nga raw ang epekto ng “revenge travel” dahil sa dumaraming bilang ng mga turistang naglalakbay ngayong holiday sa probinsiya. Ang revenge term ang tawag sa pagbiyahe matapos ang mahabang panahon na hindi pinahihintulutan ang pagbiyahe dulot ng pandemya. Ang kilalang resort sa Dapitan na Dakak Park and Beach Resort ay fully-booked nga ang lahat ng kanilang rooms sa buong December. Binigyang diin ng Dakak ang magandang epekto ng  pagdagsa ng mga turista sa lugar kung saan nakakabalik na rin ang mga ilang emple...

PM Anwar Ibrahim, umaasang magiging mas matibay ang bilateral relation sa pagitan ng Malaysia at Pilipinas

Image
INAASAHAN ni Prime Minister Datuk Seri Anwar Bin Ibrahim na mas magiging matibay ang bilateral relation sa pagitan ng Malaysia at Pilipinas. Nitong Biyernes, Nobyembre 26 ay nakatanggap ang newly appointed prime minister ng isang phone call mula kay Philippine President Ferdinand Marcos Jr. bilang pagbati sa pagkatalaga nito bilang ikasampung punong ministro ng bansa. Sa kanilang pag-uusap, sinabi ni PM Anwar Ibrahim na magpapatuloy ang pakikipag-ugnayan ng Malaysia sa Pilipinas para sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang larangan tulad ng kalakalan at pamumuhunan. Samantala, sa kanyang Twitter account, pinasalamatan naman ni PM Anwar Ibrahim si Pangulong Marcos.  “As founding fathers of ASEAN, our two nations have always enjoyed strong cooperation in bilateral, regional, and multilateral forums,” ayon sa Tweet ni PM Anwar Ibrahim. Ayon naman kay Pangulong Marcos, ang matatag na samahan ng Pilipinas at Malaysia ay mahalaga dahil lahat ng problema ay kinakaharap ng dalawang ...

PNP, muling magbabahay-bahay para sa kampanya kontra droga

Image
MULING magbabahay-bahay ang Philippine National Police (PNP) sa mga indibidwal na nasa drug watchlist. Ito ang inihayag ni PNP deputy chief for administration Police Lieutenant General Rhodel Sermonia matapos ilunsad ang Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan o BIDA Program sa Camp Crame ngayong araw. Ayon kay Sermonia, nais nilang hikayatin ang drug personalities na bolunyaryong sumuko at sumailalim sa BIDA Program. Ang BIDA ay isang advocacy program na layuning mapababa ang “drug demand” sa pamamagitan ng “public awareness” sa masamang epekto ng iligal na droga at mabawasan ang mga nalululong sa masamang bisyo. Nabatid sa panahon ng administrasyong Duterte ay ipinatupad na rin ng PNP ang “Oplan Katok” upang mahikayat ang mga gumagamit ng iligal na droga na magbagong buhay. Follow SMNI News on Twitter

Japan PM Kishida, itinanggi na nagsasagawa ng reshuffle sa gabinete

Image
ITINANGGI ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida na nagsasagawa ito ng reshuffle sa gabinete ng bansa. Ayon kay Kishida, nakapokus ang kanyang gabinete sa pagsasaayos ng ilang hamon sa pulitika. Mayroon namang mga kumakalat na espekulasyon na posibleng magkaroon ng malaking revamp sa gabinete si Kishida at sa ruling liberal democratic party sa katapusan ng taon o sa pagsisimula ng taong 2023. Huling nagsagawa ng reshuffle si Kishida noong Agosto, ang kauna-unahan mula nang maupo ito sa pwesto buwan ng Oktubre 2021. Samanatala, mayroon namang mga alegasyon ng maling paggamit sa political funds na ipinupukol ngayon kay Prime Minister Kishida at bagong Internal Affairs Minister Takeaki Matsumoto. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Fixing the bunks “strive for excellence” –PMA

Image
IPINAKITA sa SMNI Newsteam ng kadete ng Philippine Military Academy (PMA) , Baguio City ang metikulusong pagsasaayos ng kanilang higaan sa loob ng kanilang kwarto. Sa loob ng 5-10 minuto, kailangang tapusin nang maayos at walang gusot ang kanilang higaan sa bawat araw na sila ay gigising. Mula sa higaan, makikita ang maayos na pagsalansan sa kanilang mga uniporme, personal na gamit, mga tuwalya, parade paraphernalias at mga sapatos. Bilang bahagi ng disiplina ng PMA, natutunan nila ang kalinisan, at kaayusan ng kanilang paligid. Aminado ang mga kadete ng PMA na dadalhin nila ang kanilang mga natutunan sa akademya hanggang sa kanilang pag-alis sa eskwelahan hanggang sa opisyal na pag-aalay ng serbisyo sa bayan. Follow SMNI News on Twitter

Funding grant para sa organic farming ng mga magsasaka sa Neg. Occ., ipinamahagi –DAR

Image
IPINAGKALOOB ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang P360,000 grant para sa mga magsasaka sa Negros Occidental upang paunlarin ang kanilang organic vegetable farming. Ang naturang proyekto ay naisakatuparan sa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support (CRFPS) ng ahensya. Layunin ng CRFPS na tulungan ang ARB organizations sa lugar, kung saan ang mga produkto ay dati nang nasalanta ng mga kalamidad. Ito’y sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang organic vegetable farm sa loob ng 6,900 square-meter lot na pag-aari ng kooperatiba. Pinagkalooban ng ahensiya ang mga organisasyon ng mga buto ng gulay, organic fertilizer, nursery supplies, vermi worms, farm equipment, construction materials, electric pump, at iba pang accessories at labor services. Follow SMNI News on Twitter

Interoperability Exercises, isa sa mga tututukan ng Philippine Air Force –CGPAF

Image
ISA sa mga tututukan ng Philippine Air Force (PAF) ay ang Interoperability Exercises. Sa panayam ni SMNI Honorary Chairman Pastor Apollo C. Quiboloy sa programang SMNI Exclusive sa commanding general ng Philippine Air Force na si LtGen. Connor Canlas, inilahad nito na isa sa tututukan ng PAF ang Interoperability Exercises upang mapalakas pa ang hukbong panghimpapawid. Ibinahagi rin nito na una nang nakilahok ang PAF sa Korean Air Force. ‘’Kasama po ‘yan sa flight plan namin na 2040 to engage and to gage our stakeholders and have international engagements with other foreign air forces that have the same adhikain, like-minded countries,’’ ayon kay LtGen. Connor Canlas. ‘’Meron po tayong mga subject matter expert exchanges, ito po ‘yung mga magagaling at dalubhasa sa mga skills ng air defense ng surface strikes capabilities na nag-share po sa atin ng skills in order to upgrade our capabilities in terms of aircraft controlling, in terms po ‘yung nag iintegrate ng operations from a...

Israel, nag-aalok ng teknolohiya sa pamamahala ng tubig sa Pilipinas

Image
NAG-aalok ang Israel ng mga makabagong solusyon para tulungan ang Pilipinas na mapabuti ang pamamahala at pag-iingat ng yamang tubig. Ibinahagi ng Agency for International Development Cooperation ng Israel at ng United States Agency for International Aid sa gobyerno ng Pilipinas at mga lokal na concessionaires ng tubig sa Pilipinas ang kadalubhasaan at karanasan ng Israel sa pamamahala ng yamang tubig. Ayon kay Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss na namuhunan ang Israel sa teknolohiya upang suportahan ang lumalaking pangangailangan at urbanisasyon sa bansa. Binigyang-diin ng mga kumpanyang Israeli ang inobasyon at teknolohiya ng Israel upang magbigay ng inspirasyon at hikayatin ang sektor ng tubig sa Pilipinas, mga negosyo at mga lokal na yunit ng pamahalaan na mamuhunan sa mga teknolohiyang tutulong sa pamamahala ng tubig nang tuluy-tuloy. Samantala sinabi ng Israeli Embassy sa Manila na ibinahagi ni National Water Resources Board Director Susan Abano ang mga hamon...

Ukraine at Russia nagsagawa ng prisoners swap

Image
NAGSAGAWA ng prisoner swap ang Russia at Ukraine kung saan nagpalitan ng mahigit 50 prisoners of war ang Russia at Ukraine . Ayon sa Russia’s Defence Ministry, pinalaya na ng Ukraine ang 50 sundalong Ruso na nahuli sa bakbakan. Maging sa bansang Ukraine ay pinalaya na rin ng Russia ang 48 na sundalo at 2 opisyal, kabilang na rito ang mga marino, infantrymen, at border guards. Ayon sa Ukrainian Presidential Administration, ginagawa nila ang lahat ng makakaya para mapalaya ang mga nabihag na sundalo sa pakikipagtulungan sa coordination headquarters for the treatment of prisoners of war. Sa ngayon ay hawak na ng Russian Defense Ministry at Ukraine Defense Ministry ang kanilang sundalo at kasalukuyang dinala na sa pagamutan upang mabigyan ang mga ito ng sapat na tulong. Follow SMNI News on Twitter

Datuk Seri Anwar Bin Ibrahim, itinalaga bilang ika-10 Punong Ministro ng Malaysia

Image
NANUMPA na ngayong araw ang bagong talaga bilang ika-10 Punong Ministro ng Malaysia na si Pakatan Harapan Chairman Dato Seri Anwar Bin Ibrahim. Si Yang Di Pertuan Agong Al- Sultan Abdullah Ri’ayatuddin Al-Mustafa Billah Shah nitong Huwebes, Nobyembre 24 ay pumayag sa pagtatalaga kay Tambun Member of Parliament Datuk Seri Anwar Bin Ibrahim bilang ika-10 Punong Ministro ng Malaysia. Ayon kay Comptroller of the Royal Household of Istana Negara Datuk Seri Ahmad Fadil Shamsuddin, ang appointment ng Pakatan Harapan Chairman ay ginawa alinsunod sa Article 40(2)(a) at Article 43(2)(a) ng Federal Constitution. Aniya, ang appointment ay isinagawa matapos na pag-usapan ng Hari ang mga opinyon ng Malay Rulers na nagpatawag ng isang espesyal na pagpupulong sa Istana Negara ngayong araw upang gawin ang pinakamahusay na desisyon para sa interes at kagalingan ng bansa at ng mga mamamayan nito. Nitong Huwebes, alas singko ng hapon ay nanumpa sa National Palace ang bagong Punong Ministro ng bansa....

Joaquin Domagoso, tinanghal bilang ‘Best Actor’ sa 16th Toronto Festival

Image
TINANGHAL bilang ‘Best Actor’ si Filipino actor and singer Joaquin Domagoso sa 16th Toronto Film and Script Awards. Nakuha nito ang award sa pagganap niya sa pelikulang “That Boy in The Dark” na gawa ng director na si Adolf Alix Jr. kung saan ipapalabas sa bansa sa Enero 8. Kasama nito sa pelikula sina Lotlot de Leon, Ramon Christopher, Glydel Mercado, Nanding Josef at maraming iba pa. Ang Toronto Film and Script Awards ay nakatutok sa pagkilala at pagtataguyod ng mga independent art house film projects at talents mula sa buong mundo para makilala at i-promote ang mga pelikula nito. Si Joaquin ay anak ng isang actor-turned-politician at former mayor ng Manila na si Isko Moreno. Follow SMNI News on Twitter

Mga mamimili, dumidiskarte sa gitna ng pagtaas ng presyo ng Noche Buena items

Image
TUMAAS ang kilay ng ilang mamimili dahil sa taas-presyo ng mga produktong pang Noche Buena  ilang araw bago ang Pasko. Kaya si Aling Julie, babawasan niya lang muna raw ang mga ihahaing putahe sa kanilang salu-salo tulad ng hamon. Kakaiba naman ang diskarte ni Mang Ed para makamura sa handaan ngayong Pasko. Lutong gulay at isda na lang muna raw ang kanilang ihahanda na aniya’y mura na healthy pa. Presyo ng Noche Buena items, 1% – 10% ang itinaas Batay sa inilabas na price guide ng Department of Trade and Industry (DTI) , nasa 1 to 10% ang itinaas ng presyo ng karamihan sa mga Noche Buena items. Pangunahing dahilan ng pagtaas ng presyo ayon sa mga manufacturer ay ang mataas na cost ng raw materials. Paglilinaw naman ng DTI na hindi sakop ang mga ito sa s uggested retail price (SRP) dahil tanging mga basic necessities and prime commodities lamang ang covered ng SRP. Payo naman ni Pascual sa mga mamimili tingnan ang range ng mga presyo na swak sa kanilang budget. May mga No...

Pastor ACQ, pinangaralan ang Student Christian Movement of the Philippines

Image
PINANGARALAN ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang makakaliwang grupo ng mga kristiyanong kabataan matapos punahin ng mga ito ang butihing Pastor hinggil sa paggamit ng pangalan ni Kristo sa anila’y pakikibaka. Sa inilabas na pahayag ng Student Christian Movement of the Philippines (SCMP), sa pangunguna ng spokesperson nito na si Kej Andres, inakusahan nito ang butihing Pastor ng panunupil, red, tagging, pagpapahamak at paninira sa mga kabataang naglilingkod umano sa bayan at ginamitan pa ng bersikulo. Kinontra naman ito ni Pastor Apollo at sinabing mga ahas kung maituturing ang makakaliwang grupo ng mga kristiyanong kabataan dahil sa paggamit nito ng mga  bersikulo mula sa bibliya upang manlinlang ng mga kabataan. “Kahit ano pa ang titulo ng inyong samahan, tawagin man ninyong Student Christian Movement of the Philippines, ginagamit nila iyong christian—student christian para manlinlang na naman, para tabunan na naman ang kanilang pagiging ahas. Gagamit pa iyan ng mga verse para ...

DepEd, nagsagawa ng Learning Recovery Plan

Image
ISINAGAWA ng Department of Education (DepEd) ang 2022 National Planning Conference (NPC) para ihanda ang buong departamento sa pagpatutupad ng Learning Recovery Plan. Sa temang “Learning Recovery, Resiliency, and Unity,” ang 2022 National Planning Conference (NPC) ay naglalayong ipaalam sa mga field office ang pagpatutupad ng Basic Education Development Plan 2030 (BEDP 2030) upang makamit ang mga pangako at layunin nito. Nakatuon ang nasabing conference sa mga makabagong tugon at mga hakbang mula sa lahat ng mga strand at yunit ng DepEd upang matugunan ang mga pangangailangang pang-edukasyon sa sektor ng basic education. Nagbigay rin ng mga update ang lahat ng miyembro ng Executive committee sa paghahanda para sa pagpatutupad ng mga plano para sa Fiscal Year 2023. Samantala, nagbigay ng mensahe si Vice President and Education Chief Sara Z. Duterte, kung saan hinikayat niya ang bawat isa na suportahan ang layunin ng kasalukuyang administrasyon na mapabuti ang kalidad ng edukasyon ...

Pilipinas, swerte dahil mayroong VP Sara –Pastor Apollo C. Quiboloy

Image
SWERTE ang Pilipinas dahil mayroong Vice President Sara Duterte . Ito ang pagbibigay-diin ni SMNI Honorary Chairman Pastor Apollo C. Quiboloy matapos hinangaan ni US Vice President Kamala Harris si VP Sara Duterte dahil sa trabaho nito. Kamakailan ay ipinahayag ni US VP Harris ang pagkamahanga nito sa trabaho at responsibilidad ni VP Duterte bilang pangalawang pangulo at kalihim ng Department of Education. Ito ay matapos nag-courtesy call si Harris kay VP Sara sa Aguado House, Maynila umaga ng Lunes. Ipinaliwanag ni SMNI Honorary Chairman Pastor Apollo C. Quiboloy sa kaniyang Powerline Program na hindi ito magagawa ng isang indibiwal ang nagagawa ni VP Sara kung walang angking ganda at talino. “Kung hindi ka matalino hindi mo magagawa ‘yun. Kung ‘di ka maganda hindi mo magagawa ‘yun. Wala akong pinapatutsadahan ha. Kung hindi ka matalino at maganda hindi mo magagawa ang dalawang trabaho isa ka lang. Kaya nabilib si US Vice President Kamala Harris na vice president din,” pahay...

US VP Harris, namangha sa trabaho ni VP Sara bilang VP at Education Secretary

Image
NAG-courtesy call si US Vice President Kamala Harris kay Vice President Sara Duterte sa Aguado House, Maynila Lunes ng umaga. Ayon sa Office of the Vice President, ipinahayag ni Harris ang pagkamangha nito sa trabaho at responsibilidad ni Duterte bilang pangalawang pangulo at kalihim ng Department of Education (DepEd). Mga isyu ukol sa edukasyon seguridad at trabaho, ilan sa mga napag-usapan ni VP Harris at VP Duterte Iba’t ibang isyu ang natalakay ng dalawa sa kanilang pagkikita. Sa larangan ng edukasyon, ipinahayag ni Duterte na siya ay umaasa na ma-institutionalize na ang blended learning sa bansa. Kaniya ring ibinahagi sa pulong ang naging epekto ng pandemya sa pag-aaral ng mga estudyante na nagresulta sa learning losses partikular na sa mga kabataan. Pagdating naman sa seguridad, ipinangako ni Harris ang malaking suporta ng US sa Pilipinas laban sa mga puwersang maaaring umatake sa bansa. Sinabi naman ni Duterte na isa sa kanyang agenda ang seguridad at anti-terrorism sa...

Usapan ni VP Sara at VP Harris, sumentro sa pagkaing Pinoy

Image
NAG-courtesy call si US Vice President Kamala Harris kay Vice President Sara Duterte . Isa sa kanilang napag-usapan ay ang tungkol sa pagkaing Pinoy. Ayon kay Harris paborito niya ang lumpia. Inengganyo naman ni Duterte si VP Hariss na tikman ang ilang pagkaing Pinoy tulad ng kare-kare, adobo at lechon baboy. Sa nasabing pagpupulong, sinamahan si Duterte ng kaniyang chief-of-staff na sina Atty. Zuleika Lopez, Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babes” Romualdez, DFA Sec. Enrique Manalo, at DFA Asec. for the Office of American Affairs JV Chan Gonzaga. Kasama naman ni Harris sina US Ambassador to the PH MaryKay Carlson, National Security Advisor to the Vice President Philip Gordon, at kaniyang chief of staff na si Lorraine Voles. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Insidente sa pagitan ng Chinese Coast Guard at PH Navy sa Pag-asa Island, nai-report na sa awtoridad

Image
NAIPAALAM na ng AFP Western Command (WesCom) sa National Task Force on West Philippine Sea ang insidente sa pagitan ng Philippine Navy at Chinese Coast Guard (CCG) sa Pag-asa Island kahapon. Ito ay matapos sapilitang kunin ng CCG ang “unidentified floating object” na na-retrieve ng Philippine Navy. Ayon kay AFP WesCom spokesperson Major Cherryl Tindog, pabalik na sa Naval Station Emilio Liwanag (NSEL) ang Navy personnel nang harangin sila ng rigid hull inflatable boat ng China. Pinutol umano ng mga Chinese ang pagkakatali ng Navy personnel sa na-retrieve na debri at sapilitan itong dinala pabalik sa kanilang barko. Wala namang nasaktan sa insidente dahil sa ipinatupad na maximum tolerance ng Navy personnel. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Huling screening para sa Mutya ng Pilipinas, hanggang Nov. 20 na lang

Image
INI-enganyo ng organizers ng Mutya ng Pilipinas ang publiko na sumali o mag-apply na para sa muling pagbabalik ng beauty pageant . Ang final screening ay hanggang Nobyembre 20 na lang sa Citadines Bay City sa Pasay City kung saan maaaring mag pa-register ang mga aplikante mula Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao. Muling ipinaalala ng management na ang mga aplikante ay dapat nasa pagitan ng 18-25 taong gulang. Mas maganda rin kung nakapagtapos na ito ng high school, hindi pa nagpakasal, at hindi pa nagkaroon ng anak. Ang mga interesado ring aplikante ay kailangang magdala ng accomplished copy ng application form, iba pang documentary requirements na naka-post sa official Facebook page ng Mutya ng Pilipinas, isang cocktail dress at swimsuit na may scarf bilang pantakip. Follow SMNI News on Twitter

One Ayala EDSA Busway Station, bukas na

Image
BUKAS na sa publiko ang One Ayala EDSA Busway Station sa Makati City, kahapon, Nobyembre 18. Sa pakikipagtulungan sa Ayala Land Incorporated, panibagong terminal ang pinasinayaan na pinangunahan ni Transportation Secretary Jaime Bautista at ilang opisyal mula sa mga attached agency nito. Ang bagong One Ayala ay isang intermodal transport hub sa kahabaan ng EDSA na maaring puntahan ng mga south-bound buses, AUV, at modern jeepneys. Ang naturang pasilidad ay kayang mag-accommodate ng libu-libong pasahero kada araw gamit ang mga transportasyon. Gayundin ang ‘Libreng Sakay’ ng pamahalaan na magiging 24 oras na simula sa Disyembre 1. Sinabi naman ni Shiella Aguilar, project development manager ng Makati Estate Ayala Land na nais nilang bigyan ng maayos at kumbinyenteng sakayan ang mga residente ng Makati. Kung kayat, dito itinayo ang bagong Ayala EDSA Busway Station. Malaking hamon aniya sa lugar ang kakulangan ng mga transport terminal, kayat ito ang nag-udyok sa naturang kumpanya...

Gatchalian nanawagan sa DPWH at NEA na bilisan ang paglipat ng mahigit 57,000 electric poles

Image
NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at National Electrification Administration (NEA) na bilisan ang paglipat ng mahigit 57,000 electric poles sa gitna ng mga road widening projects sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ani Gatchalian layunin ng nasabing proyekto na palawakin ang mga kalsada at matiyak ang kaligtasan ng mga motorista. Batay sa datos ng NEA may kabuuang 85,526 na poste ng kuryente ang nakalaan para sa relokasyon kung saan 28,431 na poste pa lamang ang nailipat. Ang nasabing pole relocation project ay nangangailangan ng kabuuang pondo na P5.548-B kung saan P1.114-B ang naibigay na. Sa ngayon hindi pa naipatutupad ang MOA ng NEA at DPWH. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

3 miyembro ng BIFF, sumuko sa Maguindanao

Image
NAGBALIK-loob sa gobyerno ang 3 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) Karialan Faction sa Maguindanao. Ayon kay 6th Infantry Division spokesperson Lieutenant Colonel Dennis Almorato, sumuko ang tatlong BIFF sa tropa ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion sa tulong ng mga opisyal ng Brgy. Zapakan at bayan ng Radjah Buayan. Ibinaba rin nila ang 1 Garand rifle at 2 Carbine rifle. Sinabi ng tatlong BIFF na sila ay sumuko dahil sa takot sa kanilang kaligtasan dahil sa operasyon ng militar at upang maiwaksi ang kanilang armadong pakikibaka. Kaugnay nito, nanawagan si Major General Roy Galido, commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central sa mga natitira pang BIFF na sumuko upang maiwasan ang paggamit sa kanila ng pwersa ng militar. Mula Enero hanggang sa kasalukuyan, umabot na sa 178 ang mga sumukong BIFF sa gobyerno. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Budget ng DOH, kinuswestyon ni Tulfo; Overstocking at malapit ma-expire na gamot, dinepensahan ni Cayetano

Image
DINIPENSAHAN ni Senador Pia Cayetano ang proposed P29.1-B budget ng Department of Health (DOH) para sa taong 2023. Matapos itong kwestyunin ni Senate Finance Committee Chairman Senador Raffy Tulfo ang overstocking at expired na gamot dahil sa kapabayaan ng DOH. Sinagot naman ito ni Cayetano, at sinabing ang mga gamot ay hindi expired at ang isyung ito ay pumutok bago pa man ang pandemya. Dagdag pa nito, na kung babawasan ang nasabing budget, marahil kukulangin ang supplies ng gamot para sa susunod na taon. Iginiit din ni Cayetano na mas naging efficient ang mga kawani ng DOH sa pagbibigay sa serbisyo lalo na sa pamamahagi ng gamot at ibang health supplies. Matatandaan na, nauna nang hiniling ng DOH ang karagdagang P27-B na pondo para sa health emergency allowance ng mga medical frontliners. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Malalag, Davao del Sur, nagdeklara ng state of calamity

Image
NAGDEKLARA ng state of calamity ang bayan ng Malalag sa Davao del Sur bunsod ng naranasang pagbaha at landslide dulot ng walang tigil na pag-ulan. Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Davao del Sur ang isang resolusyon na nagdedeklara ng state of calamity at para na rin sa pagpapalabas ng pondo na gagamitin bilang tulong sa mga naapektuhang residente at rehabilitasyon. Lahat ng barangay sa nasabing bayan ay kasalukuyang malubhang naapektuhan, kung saan pinakanapuruhan ang Brgy. Poblacion makaraang umapaw ang mga sapa sa lugar. 2 naman ang naitalang nasawi, isa ay mula sa Brgy. Ibu at isa sa Brgy. Pitu. Sa ngayon gumawa ng rescue at force evacuation ang mga otoridad at sinuspinde ang klase sa lahat ng antas. Follow SMNI News on Twitter

2 flight sa NAIA, kanselado dahil sa sama ng panahon

Image
KANSELADO ang dalawang domestic flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa sama ng panahon. Ayon sa MIAA Media Affairs Division Office, kanselado ang biyahe ng Cebgo flight DG 6881 at flight DG 6882 Manila-Surigao o vice versa. Bukod dito wala naman naapektuhang biyaheng international. Pinapayuhan ang mga mananakay na agad makipag-ugnayan sa kanilang airlines ang mga naapektuhang pasahero. Follow SMNI News on Twitter

PBBM, makikipagpulong sa Thai business leaders sa sidelines ng APEC Summit

Image
MAKIKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa business leaders ng Thailand sa sidelines ng APEC Summit. Ito’y upang manghikayat ng investments at business opportunities, isulong ang Philippine exports at talakayin ang agenda sa ekonomiya ng administrasyon. Ang Punong Ehekutibo ay lalahok din sa isang panel discussion tungkol sa “The Global Economy and the Future of APEC”. Kasama si Pangulong Marcos sa mga piling APEC leaders na inimbitahang magsalita sa taunang pagtitipon ng top chief executive officers (CEOs) mula sa buong APEC Region. Inayos na rin ang bilateral meetings para kay Pangulong Marcos kasama ang ilang economic leaders at heads of state upang pag-usapan ang pagpapalakas ng diplomatic relations.   Follow SMNI News on Twitter

Suporta sa kapakanan ng IPs, tiniyak ng DND

Image
NAKIISA ang Department of National Defense (DND) sa kauna-unahang State of the Indigenous Cultural Communities/ Indigenous Peoples Address (SIIPA) sa Camp Aguinaldo, Quezon City. Ito ay kasabay ng aktibidad ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na pinamagatang “Indigenous Cultural Communities (ICC)/Indigenous Peoples (IP) Unification with the Government Nation Building”. Inihayag ni NCIP chairperson Allen Capuyan ang “vulnerability” ng IP communities sa pagpasok ng mga rebolusyonaryong ideolohiya at lider at ang epekto nito sa maayos na pagpapatupad ng Indigenous Peoples’ Rights Act. Kasabay nito, tiniyak ni Capuyan na ipagkakaloob nila ang lahat ng oportunidad sa IP communities upang matiyak ang kanilang pagkain, lupa at labor security bilang bahagi ng “nation building”. Samantala, nilagdaan ng NGAs at pribadong sektor ang isang pledge of support at manifesto of peace, unity, and development para sa IPs at kanilang Ancestral Domain. [embedded content] Follow SM...

Panukalang magtayo ng OFW Hospital sa buong bansa, gumagalaw na sa Kamara

Image
LUSOT na sa House Committee on Health ang panukalang batas para magtayo ng OFW Hospital sa buong bansa. Sa ngayon, may OFW Hospital na sa Clark Pampanga kaya layon ng panukala na magtayo nito sa bawat siyudad. May siyam na panukalang batas ang naka-pending ngayon sa Kamara na may kaparehong layunin. Ayon naman sa Department of Health, infirmary level pa lamang sa ngayon ang OFW Hospital sa Clark na may 28-bed capacity. Sa 2023, iaakyat ito sa Level 1 Hospital na may 68-bed capacity. Layon naman ng panukala na gawin itong Level 2 Hospital na may 100-bed capacity at kailangan ng mahigit sa P500-million pondo para sa operasyon. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Suporta sa pagbuwag sa private armed groups, hiniling sa local chief executives

Image
NAGSAGAWA ng orientation program ang National Task Force for the Disbandment of Private Armed Groups (NTF-DPAGs) para sa mga bagong halal na local chief executives sa Region 9. Layunin nito na mapaigting ang kanilang kamalayan at partisipasyon sa pagsisikap na mabuwag ang private armed groups upang makamit ang makatarungan at pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao. Nabatid na ito ang first leg ng Capacity Development and Awareness Building para sa mga bagong halal na local chief executives sa Bangsamoro Autonomous Region at Region 9-12. Kabilang sa tinalakay sa naturang aktibidad ang threat assessment, local threat situation, updates on the normalization process, community engagement and participation, Anti-Terrorism Act of 2020, at updates on the national action plans (NAPs) to prevent and counter violent extremism (PCVE). Ang pagbuwag sa private armed groups ay isa sa mga pagsisikap sa ilalim ng Comprehensive Agreement in the Bangsamoro (CAB) na nilagdaan ng gobyerno at Moro Isl...

PBBM, sumalang sa COVID-19 testing bilang bahagi ng protocol para sa APEC Summit sa Thailand

Image
SUMAILALIM na sa COVID-19 test si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang bahagi ng health protocol para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Bangkok, Thailand. Ito ang inihayag ng MalacaƱang matapos magpositibo sa COVID-19 si Cambodian Prime Minister Hun Sen na nakasama ng Pangulo sa 40th at 41st ASEAN Summits sa Cambodia mula Nobyembre 10-13, 2022. Ayon kay Office of the Press Secretary Officer-in-Charge (OPS-OIC) Undersecretary Cheloy Velicaria-Garafil, inatasan na ni Pangulong Marcos  ang mga miyembro ng official delegation sa Cambodia na magpa COVID-19 test. Hiling din ng Pangulo ang agarang paggaling ni Hun Sen. Aalis si Pangulong Marcos patungong Bangkok, Thailand sa Miyerkules para samahan ang iba pang world leader para sa APEC Summit. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Center para sa learners with disabilities kada rehiyon isinusulong ni Sen. Win Gatchalian

Image
IMINUNGKAHI ni Senador Win Gatchalian na itaas sa P160-M mula sa P96-M ang pondo para sa capital outlay ng Department of Education (DepEd) para sa Special Education (SPED). Ito ay upang matiyak na bawat rehiyon sa bansa ay may modelong Inclusive Learning Resource Center (ILRC) para sa learners with disabilities. Ang P96-M pondo ay nakalaan para gawing ILRC ang 16 na SPED Centers. Mandato sa mga ILRC na ito ang maghatid ng libreng support services, kabilang ang language at speech therapy, occupational therapy, physical at physiotherapy, at iba pang mga serbisyo at hakbang na makatutulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral na may kapansanan. “Taos-puso kong inirerekomenda ang dagdag pondo sa capital outlay ng DepEd para sa SPED upang makapag-convert tayo ng SPED Center sa bawat rehiyon, at magkaroon tayo ng modelong ILRC kada rehiyon,” ani Gatchalian sa kanyang interpellation sa panukalang pondo ng DepEd para sa taong 2023. Dagdag ng senador, magrerekomenda siya sa Senate Committee...

Kamara, may P5-M donasyon sa mga nasunugan sa Navotas

Image
NAG-ambagan ang mga miyembro ng Kamara para sa mga nasunugan sa Navotas City kamakailan. Ayon kay House Speaker Martin Romualdez , P5 million na cash ang inisyal na tulong ng Mababang Kapulungan mula sa mga miyembro nito. Bukod dito, may in-kind donations din na ipapaabot ang Kamara tulad ng bigas at canned para sa mga nasunugan na tatanggapin ni Navotas Rep. Toby Tiangco . Umabot naman sa 5 ang nasawi sa naganap na sunog sa isang residential area sa Barangay Bagumbayan North ng siyudad. Sa ngayon, nananatili sa kalsada bitbit ang mga naisalbang gamit ang mga nasunugang residente habang nagtungo na ang iba sa kalapit na basketball court habang patuloy na inaalam ang sanhi ng sunog. ‘’We condole with those families who have lost their loved ones and for those many who have lost their homes no,’’ ani Romualdez. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter