PBBM, sumalang sa COVID-19 testing bilang bahagi ng protocol para sa APEC Summit sa Thailand

SUMAILALIM na sa COVID-19 test si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang bahagi ng health protocol para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Bangkok, Thailand.

Ito ang inihayag ng MalacaƱang matapos magpositibo sa COVID-19 si Cambodian Prime Minister Hun Sen na nakasama ng Pangulo sa 40th at 41st ASEAN Summits sa Cambodia mula Nobyembre 10-13, 2022.

Ayon kay Office of the Press Secretary Officer-in-Charge (OPS-OIC) Undersecretary Cheloy Velicaria-Garafil, inatasan na ni Pangulong Marcos  ang mga miyembro ng official delegation sa Cambodia na magpa COVID-19 test.

Hiling din ng Pangulo ang agarang paggaling ni Hun Sen.

Aalis si Pangulong Marcos patungong Bangkok, Thailand sa Miyerkules para samahan ang iba pang world leader para sa APEC Summit.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo