PM Anwar Ibrahim, umaasang magiging mas matibay ang bilateral relation sa pagitan ng Malaysia at Pilipinas

INAASAHAN ni Prime Minister Datuk Seri Anwar Bin Ibrahim na mas magiging matibay ang bilateral relation sa pagitan ng Malaysia at Pilipinas.
Nitong Biyernes, Nobyembre 26 ay nakatanggap ang newly appointed prime minister ng isang phone call mula kay Philippine President Ferdinand Marcos Jr. bilang pagbati sa pagkatalaga nito bilang ikasampung punong ministro ng bansa.
Sa kanilang pag-uusap, sinabi ni PM Anwar Ibrahim na magpapatuloy ang pakikipag-ugnayan ng Malaysia sa Pilipinas para sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang larangan tulad ng kalakalan at pamumuhunan.
Samantala, sa kanyang Twitter account, pinasalamatan naman ni PM Anwar Ibrahim si Pangulong Marcos.
“As founding fathers of ASEAN, our two nations have always enjoyed strong cooperation in bilateral, regional, and multilateral forums,” ayon sa Tweet ni PM Anwar Ibrahim.
Ayon naman kay Pangulong Marcos, ang matatag na samahan ng Pilipinas at Malaysia ay mahalaga dahil lahat ng problema ay kinakaharap ng dalawang bansa.
“We have to really work together, otherwise, we will not able to get over this crisis of the inflation, of the agricultural commodities, all of that. I saw your statement that the economy will be your first priority. And I found myself in the same position. So we can – I think we can help each other with Malaysia and the Philippines,” ayon naman kay Pangulong Marcos.
Ayon pa kay Pangulong Marcos, mas magiging malapit ang Malaysia at Pilipinas dahil aniya, magkakaroon sila ng ugnayan ng punong ministro sa isa’t isa.
Comments
Post a Comment