Ukraine at Russia nagsagawa ng prisoners swap

NAGSAGAWA ng prisoner swap ang Russia at Ukraine kung saan nagpalitan ng mahigit 50 prisoners of war ang Russia at Ukraine.

Ayon sa Russia’s Defence Ministry, pinalaya na ng Ukraine ang 50 sundalong Ruso na nahuli sa bakbakan.

Maging sa bansang Ukraine ay pinalaya na rin ng Russia ang 48 na sundalo at 2 opisyal, kabilang na rito ang mga marino, infantrymen, at border guards.

Ayon sa Ukrainian Presidential Administration, ginagawa nila ang lahat ng makakaya para mapalaya ang mga nabihag na sundalo sa pakikipagtulungan sa coordination headquarters for the treatment of prisoners of war.

Sa ngayon ay hawak na ng Russian Defense Ministry at Ukraine Defense Ministry ang kanilang sundalo at kasalukuyang dinala na sa pagamutan upang mabigyan ang mga ito ng sapat na tulong.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo