PBBM, makikipagpulong sa Thai business leaders sa sidelines ng APEC Summit

MAKIKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa business leaders ng Thailand sa sidelines ng APEC Summit.

Ito’y upang manghikayat ng investments at business opportunities, isulong ang Philippine exports at talakayin ang agenda sa ekonomiya ng administrasyon.

Ang Punong Ehekutibo ay lalahok din sa isang panel discussion tungkol sa “The Global Economy and the Future of APEC”.

Kasama si Pangulong Marcos sa mga piling APEC leaders na inimbitahang magsalita sa taunang pagtitipon ng top chief executive officers (CEOs) mula sa buong APEC Region.

Inayos na rin ang bilateral meetings para kay Pangulong Marcos kasama ang ilang economic leaders at heads of state upang pag-usapan ang pagpapalakas ng diplomatic relations.

 

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon