3 unibersidad sa UAE, kabilang sa top 1,000 universities sa mundo

TATLONG unibersidad mula sa United Arab Emirates (UAE) ang nakapasok sa top 1,000 education institution sa mundo.

Ayon sa research.com inaugural report, ang Khalifa University of Science and Technology, University of Sharjah at New York University of Abu Dhabi ay top three higher education institution sa bansa at kabilang din sa top 1,000 list.

Ang inaugural edition ng research.com ranking ng top universities sa mundo ay base sa metrics na nakuha mula sa Microsoft Academic Graph.

Kabilang sa proseso ng ranking ang detalyadong eksaminasyon ng higit isandaan at animnapu’t anim na libong researchers ng Google scholar maging ng Microsoft Academic Graph.

Samantala, kabilang din sa pagsasaliksik na ito ang pinakanangungunang paaralan sa bawat bansa.

Sa kabuuan halos mga unibersidad mula sa Estados Unidos ang nanguna sa listahan kung saan 230 institusyon mula roon ang napabilang dito.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon