Joaquin Domagoso, tinanghal bilang ‘Best Actor’ sa 16th Toronto Festival

TINANGHAL bilang ‘Best Actor’ si Filipino actor and singer Joaquin Domagoso sa 16th Toronto Film and Script Awards.

Nakuha nito ang award sa pagganap niya sa pelikulang “That Boy in The Dark” na gawa ng director na si Adolf Alix Jr. kung saan ipapalabas sa bansa sa Enero 8.

Kasama nito sa pelikula sina Lotlot de Leon, Ramon Christopher, Glydel Mercado, Nanding Josef at maraming iba pa.

Ang Toronto Film and Script Awards ay nakatutok sa pagkilala at pagtataguyod ng mga independent art house film projects at talents mula sa buong mundo para makilala at i-promote ang mga pelikula nito.

Si Joaquin ay anak ng isang actor-turned-politician at former mayor ng Manila na si Isko Moreno.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo