Panukalang magtayo ng OFW Hospital sa buong bansa, gumagalaw na sa Kamara

LUSOT na sa House Committee on Health ang panukalang batas para magtayo ng OFW Hospital sa buong bansa.

Sa ngayon, may OFW Hospital na sa Clark Pampanga kaya layon ng panukala na magtayo nito sa bawat siyudad.

May siyam na panukalang batas ang naka-pending ngayon sa Kamara na may kaparehong layunin.

Ayon naman sa Department of Health, infirmary level pa lamang sa ngayon ang OFW Hospital sa Clark na may 28-bed capacity.

Sa 2023, iaakyat ito sa Level 1 Hospital na may 68-bed capacity.

Layon naman ng panukala na gawin itong Level 2 Hospital na may 100-bed capacity at kailangan ng mahigit sa P500-million pondo para sa operasyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon