PNP, muling magbabahay-bahay para sa kampanya kontra droga

MULING magbabahay-bahay ang Philippine National Police (PNP) sa mga indibidwal na nasa drug watchlist.
Ito ang inihayag ni PNP deputy chief for administration Police Lieutenant General Rhodel Sermonia matapos ilunsad ang Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan o BIDA Program sa Camp Crame ngayong araw.
Ayon kay Sermonia, nais nilang hikayatin ang drug personalities na bolunyaryong sumuko at sumailalim sa BIDA Program.
Ang BIDA ay isang advocacy program na layuning mapababa ang “drug demand” sa pamamagitan ng “public awareness” sa masamang epekto ng iligal na droga at mabawasan ang mga nalululong sa masamang bisyo.
Nabatid sa panahon ng administrasyong Duterte ay ipinatupad na rin ng PNP ang “Oplan Katok” upang mahikayat ang mga gumagamit ng iligal na droga na magbagong buhay.
Comments
Post a Comment