3 miyembro ng BIFF, sumuko sa Maguindanao

NAGBALIK-loob sa gobyerno ang 3 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) Karialan Faction sa Maguindanao.
Ayon kay 6th Infantry Division spokesperson Lieutenant Colonel Dennis Almorato, sumuko ang tatlong BIFF sa tropa ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion sa tulong ng mga opisyal ng Brgy. Zapakan at bayan ng Radjah Buayan.
Ibinaba rin nila ang 1 Garand rifle at 2 Carbine rifle.
Sinabi ng tatlong BIFF na sila ay sumuko dahil sa takot sa kanilang kaligtasan dahil sa operasyon ng militar at upang maiwaksi ang kanilang armadong pakikibaka.
Kaugnay nito, nanawagan si Major General Roy Galido, commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central sa mga natitira pang BIFF na sumuko upang maiwasan ang paggamit sa kanila ng pwersa ng militar.
Mula Enero hanggang sa kasalukuyan, umabot na sa 178 ang mga sumukong BIFF sa gobyerno.
Comments
Post a Comment