Lydia Ko ng New Zealand, number 1 muli sa golf world rankings

MULING itinanghal na number 1 sa women golf world rankings si Lydia Ko ng New Zealand.

Kasunod ito sa pagkapanalo niya sa LPGA Tour Championship isang linggo na ang nakalipas.

Una nang nag-number 1 sa ranking si Ko noong February 2 hanggang June 14, 2015.

Naging number 1 din ito muli mula October 2015 hanggang June 2017.

Maliban pa dito, nakasungkit na rin si Ko ng silver medal para sa New Zealand noong 2016 Olympics sa Brazil at bronze sa 2021 Olympics sa Tokyo.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo