DepEd, nagsagawa ng Learning Recovery Plan

ISINAGAWA ng Department of Education (DepEd) ang 2022 National Planning Conference (NPC) para ihanda ang buong departamento sa pagpatutupad ng Learning Recovery Plan.

Sa temang “Learning Recovery, Resiliency, and Unity,” ang 2022 National Planning Conference (NPC) ay naglalayong ipaalam sa mga field office ang pagpatutupad ng Basic Education Development Plan 2030 (BEDP 2030) upang makamit ang mga pangako at layunin nito.

Nakatuon ang nasabing conference sa mga makabagong tugon at mga hakbang mula sa lahat ng mga strand at yunit ng DepEd upang matugunan ang mga pangangailangang pang-edukasyon sa sektor ng basic education.

Nagbigay rin ng mga update ang lahat ng miyembro ng Executive committee sa paghahanda para sa pagpatutupad ng mga plano para sa Fiscal Year 2023.

Samantala, nagbigay ng mensahe si Vice President and Education Chief Sara Z. Duterte, kung saan hinikayat niya ang bawat isa na suportahan ang layunin ng kasalukuyang administrasyon na mapabuti ang kalidad ng edukasyon ng bansa sa pamamagitan ng evidence in planning, research programming, at policy development.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon