Gatchalian nanawagan sa DPWH at NEA na bilisan ang paglipat ng mahigit 57,000 electric poles

NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at National Electrification Administration (NEA) na bilisan ang paglipat ng mahigit 57,000 electric poles sa gitna ng mga road widening projects sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ani Gatchalian layunin ng nasabing proyekto na palawakin ang mga kalsada at matiyak ang kaligtasan ng mga motorista.
Batay sa datos ng NEA may kabuuang 85,526 na poste ng kuryente ang nakalaan para sa relokasyon kung saan 28,431 na poste pa lamang ang nailipat.
Ang nasabing pole relocation project ay nangangailangan ng kabuuang pondo na P5.548-B kung saan P1.114-B ang naibigay na.
Sa ngayon hindi pa naipatutupad ang MOA ng NEA at DPWH.
Comments
Post a Comment