Pastor ACQ, pinangaralan ang Student Christian Movement of the Philippines

PINANGARALAN ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang makakaliwang grupo ng mga kristiyanong kabataan matapos punahin ng mga ito ang butihing Pastor hinggil sa paggamit ng pangalan ni Kristo sa anila’y pakikibaka.

Sa inilabas na pahayag ng Student Christian Movement of the Philippines (SCMP), sa pangunguna ng spokesperson nito na si Kej Andres, inakusahan nito ang butihing Pastor ng panunupil, red, tagging, pagpapahamak at paninira sa mga kabataang naglilingkod umano sa bayan at ginamitan pa ng bersikulo.

Kinontra naman ito ni Pastor Apollo at sinabing mga ahas kung maituturing ang makakaliwang grupo ng mga kristiyanong kabataan dahil sa paggamit nito ng mga  bersikulo mula sa bibliya upang manlinlang ng mga kabataan.

“Kahit ano pa ang titulo ng inyong samahan, tawagin man ninyong Student Christian Movement of the Philippines, ginagamit nila iyong christian—student christian para manlinlang na naman, para tabunan na naman ang kanilang pagiging ahas. Gagamit pa iyan ng mga verse para tabunan ang kanilang mga pagka ahas,” ang pahayag ni Pastor Apollo.

“Kaya iyong mga hindi pa nakakaalam, itong Student Christian Movement of the Philippines na ito ay CPP-led, CPP-created, and CPP-operated. Front kayo, mga ahas kayo. Biro mo, ahas may bersikulo sa ulo? Nakatabon sa ulo ang bersikulo ‘love thy neighbor,” dagdag ni Pastor Apollo.

Pastor ACQ sa SCMP: Kami ang nagsasalba sa mga kabataan para hindi ma-recruit sa NPA

Ani Pastor Apollo, tunay siyang nagmamalasakit at nagsasalba sa mga kabataan upang hindi na malinlang ng mga makakaliwang grupo at maging bahagi ng rebeldeng kilusan.

“Kayo ang nagre-recruit. Pagka na-recruit ninyo, lalasunin ang utak, ira-radicalize ninyo ang kabataan. Ako ay nagsasalita na walang ebidensya? Nariyan lahat ng na-recruit ninyo puro taga-UP, karamihan taga-UP. Students of the University of the Philippines recruited by Communist Terrorist Groups. Tingnan mo ‘to. Ito, kayo ang naninira pagkatapos binabaliktad ninyo. Kami raw ang naninira. Kami ang nagsasalba sa mga kabataan para hindi ma-recruit ninyo, mga ahas kayo,” saad ni Pastor Apollo.

Kaugnay nito, matatandaang una nang ibinulgar ng mga dating kadre ng CPP-NPA-NDF na isang front organization ng Communist Terrorist Organization ang SCMP at ginagamit lamang na maskara ang paniniwala sa kristiyanismo at relihiyon upang makapangloko.

Dating kadre ng CPP-NPA-NDF, ibinulgar ang totoong pakay ng Student Christian Movement Ph

“Regarding jan sa SCMP Student Christian Movement of the Philippines, kasabayan yan ng left leaning organization ng CPP, kategorya ng LFS yan, yung LFS kasi pumapasok siya sa mga private school sa buong Pilipinas. Ito namang SCMP, sila naman sa mga christian school na mag-oorganized din doon na naging chapter ng SCMP tapos later on after 6 months magrerecruit din sila jan ang mga underground na magiging kasapi ng KM at magiging party member  din, kasi in one year yun naman yung program both LFS at saka SCMP, so kasi LFS ang fucos niyan mga private at state universities,  so ang SCMP more on sa mga christian school na pinapatakbo ng religious institutions,”  wika ni Ka Angel Reyes, former urban infiltrator for youth and students, workers, and IPs in Central Luzon.

Sa pahayag ng SCMP, sinabi pa nito na dapat huminto na ang butihing Pastor sa panunupil at red-tagging.

Ngunit sagot ni Pastor Apollo, hindi panunupil ang paglalahad ng katotohanan.

“Maawat na daw ang panunupil. Panunupil itong sa amin? Hindi. Paglalahad ng katotohanan kung sino kayo. Red-tagging? Bakit kayo takot sa red-tagging kung hindi kayo red? Ang ibig sabihin ng red-tagging, inuugnay kayo sa CPP-NPA-NDF na kasamahan kayo. Di ba kasamahan kayo? Aminin. Bakit ayaw nilang maugnay sila doon? Iyan nga ang kanilang pagbabalat-kayo. Sa labas nagpapakita sila na sila ay mabubuti pero dito sa kabila naman, pagka gabi, maiitim sila. Kaya ang itim ginagawa nilang liwanag,” ayon pa sa butihing Pastor.

“Sinong gumugulo sa bansang ito? CPP-NPA-NDF. Sinong pumapatay na walang awa? 50,000 na sobrang pinatay ninyong sibilyan. Sino? NPA. Nananalangin ba kayo na kayo’y magbago? Hindi. Nananalangin na kayo ay dumami pa, dumami pa ang ahas na ma-recruit ninyo na maging NPA mula sa mga kabataan na sinasabi ninyong ipinagtatanggol ninyo upang maging NPA na naman sila at magkaroon ng lason sa utak at maging ahas silang katulad ninyo,” dagdag ni Pastor Apollo.

Hinamon naman ng butihing Pastor ang SCMP na patotohanan na hindi sila sangay ng makakaliwang grupong CPP-NPA-NDF.

“Kasama kayo o hindi? Sagutin niyo ako. CPP-led, CPP-operated, CPP-created o hindi ang Student Christian Movement? Sagot. Yes or no lang. Text kayo dito sa akin ngayon. Kasama ba kayo? Kaugnay ba kayo sa CPP-NPA-NDF
o hindi? Yes or no? Hindi sila makasagot. Bakit? Kasama. So red-tagging, sa inyo lang iyan,”
ani Pastor Apollo.


Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon