Suporta sa pagbuwag sa private armed groups, hiniling sa local chief executives

NAGSAGAWA ng orientation program ang National Task Force for the Disbandment of Private Armed Groups (NTF-DPAGs) para sa mga bagong halal na local chief executives sa Region 9.

Layunin nito na mapaigting ang kanilang kamalayan at partisipasyon sa pagsisikap na mabuwag ang private armed groups upang makamit ang makatarungan at pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.

Nabatid na ito ang first leg ng Capacity Development and Awareness Building para sa mga bagong halal na local chief executives sa Bangsamoro Autonomous Region at Region 9-12.

Kabilang sa tinalakay sa naturang aktibidad ang threat assessment, local threat situation, updates on the normalization process, community engagement and participation, Anti-Terrorism Act of 2020, at updates on the national action plans (NAPs) to prevent and counter violent extremism (PCVE).

Ang pagbuwag sa private armed groups ay isa sa mga pagsisikap sa ilalim ng Comprehensive Agreement in the Bangsamoro (CAB) na nilagdaan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong 2014.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo