Posts

Showing posts from February, 2023

Sales ng malls sa NCR, sa weekends na lang –MMDA

Image
HINIHIKAYAT ang malls sa National Capital Region (NCR) na isagawa ang kanilang sales tuwing weekend at maging ang pagpunta ng publiko dito ay mas magandang hindi rin weekdays. Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Atty. Melissa Carunungan sa panayam ng SMNI News, ito’y para tulong na rin na hindi magkaroon ng matinding trapik sa mga pangunahing lansangan. Ayon kay Carunungan, halos magkapareho na ang bilang ng mga sasakyang bumabagtas sa EDSA ngayon sa pre-pandemic levels. Kamakailan, napagkasunduan ng MMDA at mall owners at operators ang pagpapatupad ng adjusted mall operations mula 11am-11pm. Epektibo ito mula noong Nobyembre 14, 2022-Enero 6, 2023. Ang deliveries ay maari lamang mula 11pm-5am maliban sa pagdeliver ng perishable goods, restaurants serving breakfast, at groceries. Inatasan din ang mga shopping mall operators na magsumite ng kanilang kanya-kanyang management plans at ilagay ang kanilang mall sales at promotional events, 2 ling...

Kamara, tumanggap ng P120-M na tulong para sa mga biktima ng bagyo at sunog

Image
UMABOT sa P120 million na incash at inkind ang donations ang tinanggap ng Kamara sa kanilang relief drive para sa mga biktima ng Bagyong Paeng at sa mga biktima ng malaking sunog kamakailan sa Navotas City. Sa birthday celebration ni Speaker Romualdez nitong Lunes, nakapag-raise ang Kamara ng P70.92 million cash at pledges para sa mga biktima ng sunog sa Navotas kung saan 5 ang naitalang nasawi. Bukod dito, P49.2 million in cash at in kind donations din ang natanggap ng Kamara para sa kanilang relief drive sa mga biktima ng Bagyong Paeng. Nagpalasamat naman ang lider ng Kamara sa mga kasama niyang kongresista na may malasakit sa pagtulong sa mga nangangailangan. ‘’Kung minsan kasi affected tayo di ba? Bigla nalang mauubusan kayo. Mabuti na lang nandito yung mga kapwa natin kongresista, tutulong at minsan naman yung naitulong mo dati pagmay-nangyari sa’yo sila naman ang tumutulong,’’ ani Romualdez. Nauna nang nagbigay ng P5-million na initial cash assistance ang Kamara kay Na...

Dolly Parton, nakatanggap ng $100-M award sa Bezos Courage & Civility Award

Image
NAKATANGGAP si Country Music Star and Philanthropist Dolly Parton ng $100 million prize mula sa Bezos Courage & Civility Award. Ang Bezos Courage & Civility Award ay pinamunuan ni Amazon.com AMZN.O founder, billionaire Jeff Bezos kung saan kumikilala at nagbibigay karangalan sa mga taong nagpakita ng katapangan at pagmamahal sa bayan. Ayon kay Bezos, si Dolly ay nararapat sa nasabing parangal sapagkat isa siyang babae na namumuno nang may pagmamahal at habag sa bawat aspeto. Kaya naman laking pasasalamat ni Parton sa nasabing parangal at nangakong gagawin ang nararapat sa cash prize. Si Parton, ay kilala sa pagtatag ng ilang charities kabilang na dito ang Dollywood Foundation kung saan nakatutok sa edukasyon pati na rin sa poverty relief. Follow SMNI News on Twitter

2-M batang Pilipino edad 2 pababa, ‘di pa nababakunahan –DOH

Image
UMAABOT sa 2 milyong batang Pilipino ang hindi pa nakatatanggap ng bakuna laban sa mga sakit tulad ng polio, measles at tuberculosis. Sinabi ni Department of Health (DOH) OIC Maria Rosario Vergeire na mula sa ideal na 95% na dapat mabakunahan ay 36% pa lamang ang natuturukan sa bansa. Batay sa rekomendasyon ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) , kailangang kumpletuhin ng mga bata ang lahat ng kinakailangang dosis ng bakuna sa oras na sila ay isang taong gulang upang makaiwas sa mga sakit. Sa ngayon, pinapaigting na ng DOH ang pagbabakuna sa mga bata katuwang ang local government units at inilunsad ang “vax-baby-vax” nitong Nobyembre 7 at magtatagal hanggang Nobyembre 18. Nananawagan din ang kagawaran sa mga magulang na ipabakuna na ang kanilang mga anak upang maiwasan ang outbreak ng mga nasabing sakit sa bansa. Follow SMNI News on Twitter

DOTr, nagsagawa ng inspeksyon sa LRT-1 Cavite Extension Project

Image
NAGSAGAWA ng inspeksyon ang Department of Transportation (DOTr) sa konstruksyon ng LRT-1 Cavite Extension Project ngayong araw. Pinangunahan ang pag-inspeksyon nina Transportation Secretary Jaime Bautista at Light Rail Manila Corp. President Juan Alfonso. Ang LRT-1 Cavite Extension ay inaasahang magiging operational sa 2024 at mabebenepisyuhan ang 300,000 pasahero. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Pilipinas, mag-aangkat ng 25,000 metric tons ng isda hanggang sa Enero 2023

Image
MAG-aangkat ang Pilipinas ng 25,000 metric tons ng isda para sa wet markets. Ito ay sa gitna ng pagsasara ng fishing season simula ngayong Nobyembre hanggang Enero 2023. Batay ito sa Special Order No. 1002 series of 2022 na nilagdaan ni Department of Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban. Kabilang sa mga iaangkat ay frozen round scad, big eye scad, mackerel, bonito at moon fish. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

4 katao, nasawi sa hagupit ni Hurricane Nicole sa Florida

Image
HINDI bababa sa 4 ang nasawi matapos malakas na manalasa si Hurricane Nicole sa East Coast ng Florida nitong Huwebes, Nobyembre 10. Nag-iwan ng pinsala ang bagyo sa mga gusali, bahay, pagbaha at nawalan din ng kuryente ang mahigit 335, ooo na mga kabahayan at negosyo. Nagpaalala ang mga otoridad ng Florida sa mga residente at bisita ng mahigpit na pag-iingat at huwag hawakan ang mga nakakabit na daluyan ng kuryente at mag-ingat sa pagmamaneho ngayong panahon ng bagyo. Pinakaunang bagyo si Nicole sa buwan ng Nobyembre makalipas ng 40 taon. Inaasahang humihina at magiging tropical depression ngayong Biyernes si Hurricane Nicole. Follow SMNI News on Twitter

Karagdagang 20 bagong fast patrol boats, ipinagmalaki ng BOC

Image
MALAKING tulong umano sa operasyon ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang mga bagong patrol boats, partikular sa kanilang Enforcement and Security Service-Water Patrol Division. Sa datos ay mayroong 20 bagong fast patrol vessels ang BOC na ginagamit sa pagharang na makapasok dito sa bansa ang mga kontrabando. Nauna rito ay kinumpirma ng BOC na simula January hanggang October 2022 at umabot na sa 54 na barko ang hinabol sa karagatan at sinampahan ng mga tauhan ng BOC dahil sa mga impormasyon na may kargang iligal na kontrabando. Matapos niyan ay naisyuhan na aniya ng warrant of seizure and detention ang kontrabando ng dalawa sa mga ininspeksyon. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

P45-M, ipinagkaloob ng gobyerno sa 611 na mga dating kalaban ng estado sa bansa

Image
UMABOT na sa 611 na mga dating kalaban ng estado ang napagkalooban ng pamahalaan ng pinansiyal na tulong sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) . Layon nitong bigyan ng maayos na pamumuhay ang mga indibidwal na naisipang magbalik-loob sa pamahalaan kasama ang kani-kanilang pamilya sa pagbabagong buhay. Ayon kay Interior Secretary Benhur Abalos , malaking bagay ang programang ito lalo na sa pagsisimula ng bagong buhay ng mga dating kalaban ng estado. Sa kabuuan, umabot na sa mahigit 45 milyong piso ang ipinagkaloob ng pamahalaan sa ilalim ng nasabing programa. Nakapaloob dito ang pangkabuhayan, suporta sa edukasyon, pabahay, medical assistance at marami pang iba. Umaasa ang pamahalaan na madadagdagan pa ang mga magbabalik-loob sa gobyerno hanggang sa tuluyang makamit ang kapayapaan sa bansa bukod sa tuluy-tuloy na military operations ng mga kasundaluhan. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Fully vaccinated individuals kontra COVID-19 sa QC, pumalo na sa higit 2.6 milyon

Image
UMABOT na sa 6,732,505 doses ng bakuna ang naiturok ng Quezon City hanggang kaninang alas-8 ng umaga. Ayon sa city government, nasa 2,600,166 na ang bilang ng fully vaccinated individuals sa lungsod. Sa nasabing bilang, 2,197,793 milyon dito ay fully vaccinated adults habang 402,373 naman ang bilang ng fully vaccinated minors. Umabot naman sa 1,530,612 ang nabigyan ng booster shot o ng first at second booster. Samantala, pumalo na sa 289,491 na kabuuang bilang ng nagpositibo sa sakit sa lungsod kung saan 286,720 na ang gumaling, 428 ang aktibong kaso at 2,343 ang nasawi. Follow SMNI News on Twitter

Dubai, pinarangalan ng Expo Medals ang 40,000 Emiratis

Image
BINIGYANG parangal ng Dubai ang libu-libong Emiratis dahil sa kanilang ambag sa tagumpay ng Expo 2020. Kabilang sa pinarangalan ni United Arab Emirates Vice President at Dubai Ruler Sheikh Mohamed Bin Rashid Al Maktoum ang mga sibilyan at military personnel kasabay ng tagumpay ng global event na ginanap sa UAE. ‘’We have granted the ‘Expo 2020 Dubai Medal’ to 40,000 Emiratis, including civilian and military personnel who played a key role in the success of the global event hosted by the UAE. The global experience that our national cadres have acquired has been one of the greatest gains of Expo 2020 Dubai,’’ ayon kay Sheikh Mohamed Bin Rashid Al Maktoum. Pinuri ni Sheikh Mohammed Bin Rashid Al Maktoum ang UAE para sa abilidad nito na pahangain ang mundo dahil sa paglalaan ng oportunidad para mga manggagawa na kasali sa Expo 2020. Binigyang puri din nito ang mga namamahala sa event para sa pagkakaroon ng ligtas na pasyalan para sa lahat sa kabila ng banta ng pandemya. Ang Expo...

Beripikasyon ng BOC sa kwestyunableng mga asukal, nagpapatuloy 

Image
TINIYAK ng Bureau of Customs (BOC) na patuloy ang imbestigasyon sa pagkumpiska sa stocks ng mga asukal sa mga warehouses at pantalan. Sinabi ni BOC spokesperson Arnold dela Torre, 4 na insidente mula sa magkakasunod na pagbisita sa mga bodega ang kasalukuyang dumadaan pa sa imbestigasyon at ito ay nagkakahalaga ng kabuuang P289-M. Mula aniya sa 4 na insidente ay 2 ang nasabat nila mula sa mga warehouses at 2 naman ay mula sa pantalan. Layunin aniya ng imbestigasyon na matukoy kung dokumentado ba o iligal ang naturang mga asukal at kapag natukoy na iligal ang mga iniimbestigahang stocks ng mga asukal ay agad na magsasampa ng kaso ang Customs sa Department of Justice. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Anini-y, Antique, niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ngayong umaga

Image
NIYANIG ng magnitude 4.8 na lindol ang Anini-y, Antique ngayong umaga ng Biyernes. Naitala ang pagyanig sa 13 kilometro timog-kanluran ng bayan ng Anini-y kaninang alas 7:16 ng umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) , tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 20 kilometro. Naitala ang Intensity I sa San Jose de Buenavista at Culasi, Antique. Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig. Follow SMNI News on Twitter

Pastor Apollo C. Quiboloy, pinatutsadahan ang LGBTQ+ group na Bahaghari

Image
PINATUTSADAHAN ng Honorary Chairman ng SMNI na si Pastor Apollo C. Quiboloy , ang LGBTQ+group na Bahaghari dahil sa pahayag nito laban sa SMNI. Sa live program ng SpotLight nitong Miyerkules, sinagot ng butihing Pastor ang pahayag ng chairperson ng Bahaghari laban sa SMNI hinggil sa isyu ng red-tagging. Sa isang panayam, sinabi ng kanilang chairperson na si Reyna Valmores na dapat may gawin ang Brodkaster ng Pilipinas sa SMNI kaugnay sa standard ng pamamahayag. Samantala, ibinulgar naman ng dating kadre na si Jeffrey Ka Eric Celiz na ang Bahaghari ay isang front organization ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front. Kaugnay nito, hinamon ng butihing Pastor ang chairperson ng Bahaghari na sagutin ang pahayag ni Ka Erik at patotohanan na hindi sila pronte ng komunistang teroristang grupo. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Pilot test ng Register Anywhere ng COMELEC, nakatakda na sa Disyembre

Image
INIHAYAG ng Commission on Elections (COMELEC) na nakatakdang gawin sa 5 malls sa National Capital Region ang pilot test ng Register Anywhere Project (RAP) ng komisyon. Ito ay matapos aprubahan ng Comelec en banc ang operation plan ng naturang programa. Tutukuyin pa naman ng COMELEC ang 5 malls na ito para sa pilot test na gagawin kada Sabado at Linggo simula Disyembre 17 – 29 maliban sa Disyembre 24, 25 at 31 at Enero 1. Sa panahon na isasagawa ang pilot test, ang mga qualified applicant na nakatira sa bansa ay maaring magregister sa mga booth ng RAP sa loob ng mga designated malls. Maaari nilang isumite ang kanilang aplikasyon, documentary requirements at gawing biometrics sa site. Follow SMNI News on Twitter

21 elected officials mula Albay, nanumpa sa Lakas-CMD

Image
NANUMPA nitong Miyerkules bilang mga bagong miyembro ng Partido LAKAS-CMD ang 21 elected officials mula sa probinsya ng Albay. Ito ang partido kung saan Chairman si VP Sara Duterte at Presidente naman si Speaker Martin Romualdez . 9 na alkalde, 8 provincial board members at 4 na councilor ang nanumpa kay Speaker Romualdez sa isang simpleng seremonya sa Batasan Pambansa. Sa ngayon, 9 sa 18 mayors sa Albay ay miyembro na ng Lakas habang 8 sa 17 elected provincial board members ang mga bagong miyembro ng partido. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Panukalang polisiya na magpapabilis sa pagpapatayo ng 6-M housing units, inilatag ng DHSUD kay PBBM

Image
INALAM ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kasalukuyang lagay ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino program. Ito ay sa gitna ng pulong kasama ang mga opisyal ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) nitong Nobyembre 7. Inilatag ng DHSUD ang mga panukalang polisiya na magpapabilis sa pagpapatayo ng 6-M units ng pabahay sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa ilalim ng nasabing programa. Matatandaang iniutos ni Pangulong Marcos sa DHSUD na lutasin ang backlog ng pabahay sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng disente, ligtas, at napapanatiling tirahan sa mahigit 6 na milyong pamilya sa loob ng 6 na taon. Follow SMNI News on Twitter

Sen. Bato dela Rosa, may sagot sa pang-uugnay ng Lapid case kay dating PRRD

Image
MAY sagot si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa pang-uugnay ng Lapid case kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte . ‘’Malayong magkaroon ng interes at motibo.’’ Ito ang naging sagot ni Sen. Bato dela Rosa hinggil sa mga pang-uugnay ng Percy Lapid case kay dating Pangulong Duterte. Lalo na at posibleng isinama si dating Pangulong Duterte sa sinasabing 160 persons of interest sa naturang kaso. Maliban sa pagpuna ni Lapid kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., magugunitang matinding kritiko rin ang broadcaster kay dating Pangulong Duterte. Ayon dito kay Senador dela Rosa, kung nais lang talaga ni dating Pangulong Duterte na ipapaslang si Lapid ay dapat noon pa habang nasa panunungkulan pa ito. Ito’y dahil maaari pa aniyang magamit ng dating Pangulong Duterte ang lahat ng kanyang kapangyarihan laban kay Lapid. Subalit, ngayong wala na sa panunungkulan si dating PRRD, ani Dela Rosa, malinaw na wala na itong rason para pansinin si Lapid dahil wala ng career na inaalagaan pa...

Sen. Robin sa mga bayaning unipormado: Tiyaking natutupad ang mga batas para sa pangkaraniwang Pilipino

Image
TIYAKING natutupad ang mga batas, lalo na sa pagprotekta sa mga magsasaka, katutubo, at pangkaraniwang Pilipino. Ito ang naging paalala ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla sa mga kasalukuyan at magiging “Bayaning Unipormado” – ang kapulisan, sundalo, bumbero at Coast Guard – sa pagbukas ng sportsfest ng National Police College sa Cavite. “Sana sa inyong hanay, dahil kayo ang hahawak ng law and order, alam naman natin pag walang law and order, walang mangyayari sa bansa. Dahil kayo ang inaasahan naming magtatanggol sa ating mga kababayan, tulungan po ninyo, tulungan nyo sila,” ani Padilla. “Alam ninyo, sa mga bulubundukin, nakikita kong tumutulong ang mga pulis, mga Army. Lalo pag may kalamidad nakikita nyo diyan, ang Coast Guard, ang kapulisan, ang bumbero, sila ang nandiyan. Kung tayo lagi tayo mag-griping, ah ito di binigay ng gobyerno, walang mangyayari. Magtrabaho na lang tayo at magserbisyo. Yan na lang po ang pwede nating gawin,” dagdag ng mambabatas. Nanawagan si Pad...

Dagsa ng mga turista sa Chocolate Hills sa Bohol, bumalik na sa pre-pandemic level

Image
DAHIL sa todo-bukas na muli sa mga turista ang Chocolate Hills, naniniwala ang munisipalidad ng Carmen sa Bohol na naabot na ang 100% pre-pandemic level. Tinatayang nasa 1,500 – 4,000 na mga bumibista sa Chocolate Hills sa Bohol bawat araw. Hindi matatawaran ang pambihirang kagandahan ng Chocolate Hills sa Bohol. Kaya naman ang pamosong atraksyon na ito ang nasa pangunahing destinasyon ng mga turista sa probinsya ng Bohol. Dinarayo rin ang Chocolate Hills dahil sa  mayroon itong  kasing dami ng 1,776 na burol na pumapalibot sa isla. Ayon kay Mayor Che Che de Los Reyes, marami pa silang planong gawin sa Chocolate Hills para lalong gumanda ang mga pasilidad sa lugar. Sa ngayon aniya pinag-aaralan pa nila ang target na bilang mga turistang bibisita sa Chocolate Hills, marami nang nabago sa pasilidad at marami pa silang babaguhin. Samantala patuloy na hinihikayat ng alkalde ang mga turista na bisitahin ang Bohol kung saan naroon ang pamosong Chocolate Hills. Tumaas na an...

Zubiri, inaasahang aaprubahan ang 2023 budget ng Senado

Image
INAASAHAN ni Senate President Juan Miguel ”Migz” Zubiri na aprubahan na ng Senado ang P5.268-T 2023 budget ngayong buwan. Ipinagpatuloy kahapon ang first regular session ng 19th Congress para sa plenary deliberation ng proposed 2023 General Appropriations Bill. Umaasa naman ang senador na maaprubahan ng bicameral conference committee ang proposed national budget sa buwan ng Disyembre. Samantala, nagpaabot ng pasasalamat si Zubiri sa lahat ng mga masisipag na senador dahil sa kanilang mahusay ng pamumuno sa kanilang mga subcommittees at pagbibigay prayoridad sa 2023 national budget. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

QC LGU’s tutulong sa mga guro sa malagim na aksidente sa Bataan

Image
LABIS na ikinalulungkot ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Quezon ang pangyayari sa naganap na insidente na ikinasawi ng isang guro matapos silang umatend sa isang seminar sa Bataan. Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, handang tumulong ang QC LGU’s sa pangangailangan ng mga nasangkot sa insidente. Dumating ang mga medic sa nasabing lugar ng Urban Search and Rescue personnel ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) sa Orani, Bataan upang makipag-ugnayan at suriin ang mga guro ng pampublikong paaralan ng QC na naaksidente matapos mahulog ang kanilang bus sa Bangin sa Orani, Bataan kamakailan. Nakipag-usap na sila sa Command Center upang malaman kung kinakailangan dalhin ang mga guro sa Quezon City General Hospital. Sa pahayag ng lokal na pamahalaan ng Quezon City, ang bus na nahulog sa bangin sa Orani, Bataan ay isa sa tatlong bus na donasyon ng city government sa Schools Division Office noong 2016. Ang dinaluhang capacity building activity ng Public Sc...

30% na pagbaba ng kaso ng COVID-19 naitala ng DOH ngayong linggo

Image
INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na mas mababa ng 30 percent ang COVID-19 cases ngayong linggo kung ikukumpra noong October 24 – 30. Mula kasi October 31 hanggang November 6, ay nasa mahigit anim na libo lang ang naitalang COVID-19 cases sa bansa. Inihayag din ng DOH na nasa 907 lamang ang average na kaso naitatala ngayong linggo sa kada araw. Pero nitong Nobyembre 6, 2022, sa ulat ng DOH na mayroong mahigit 600 na malubha at kritikal na pasyente sa mga ospital matapos tamaan ng COVID-19. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Ex. Cong. Pichay, ‘di na maaaring humawak ng anumang posisyon sa gobyerno

Image
PINAL na ang desisyon ng Supreme Court na tanggalan ng karapatan si dating Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno. Ito ay kasunod na mapagtibay ang unang desisyon ng SC First Division kaugnay sa utos ng Office of the Ombudsman na pagbawalan na si Pichay na humawak ng anumang government posisyon. Matatandaan na naglabas ng ‘dismissal order na perpetual disqualification from holding any public office‘ ang Office of the Ombudsman noong 2001 laban kay Pichay bunsod ng pagbili nito ng Local Water Utilities Administration (LWUA) sa halagang P80-M kahit hindi aprubado ng Monetary Board (MB). Batay sa resolusyon ng SC First Division na inilabas pa noong Nobyembre 2021, ibinasura ang petisyon ni Pichay na ipawalang-bisa ang kanyang administrative at criminal liabilities. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Dating Japan PM Aso, nakipagkita sa foreign minister ng South Korea

Image
NAKIPAGKITA ang dating Prime Minister ng Japan na si Aso Taro sa Foreign Minister ng South Korea na si Park Jin in sa Seoul. Nag-usap si Aso at Park ukol sa pakikipagkita ni Aso kay South Korean President Yoon Suk Yeol noong nakaraang araw. Si Aso bilang dating punong ministro ng bansa ang kasalukuyang pinuno ng komite na nakapokus sa pagtatatag ng bilateral cooperation kabilang ang iba pang pulitiko at mga negosyante mula sa Japan at South Korea. Napag-usapan rin ang ilang bilateral na bagay gaya ng wartime labor issue, nagpalitan rin ito ng opinyon ukol sa kasalukuyang sitwasyon sa East Asia kabilang na ang pag-responde nito sa North Korea sa ulit-ulit na Ballistic missile launch. Sinabi naman ni Park na ang mga lider ng Japan at South Korea ay nais rin na mas mapalapit pa ang bilateral na ugnayan sa isa’t isa. Matapos ang pagpupulong nito, nag-alay si Aso ng mga bulaklak sa isang memorial para sa mga biktima ng crowd crush sa Itaewon district noong Sabado ng gabi. [embedded...

Pangamba na maging super spreader ng COVID-19 ang Undas, baka sa susunod na linggo pa matukoy

Image
POSIBLENG sa ika-tatlong linggo pa ng kasalukuyang buwan malalaman kung naging super spreader ba ng COVID-19 ang pagdagsa ng mga tao sa mga sementeryo nitong nakaraang Undas. Magugunitang ilang linggo bago sumapit ang November 1 ay paulit-ulit na ang panawagan ng Department of Health (DOH) na magsuot pa rin ng face mask sa loob ng mga sementeryo dahil inaasahan na ang kumpulan ng mga tao. Batay naman sa pinakahuling talaan ay nakapagtala ang DOH ng 775 na mga bagong covid cases sa bansa at ito ang pinakamababa simula pa noong June 28. Nauunawaan naman ng DOH na hindi na nasunod ang physical distancing dahil sobrang dami talaga ang mga tao lalo na sa entrada ng mga sementeryo, pero sana aniya ay hindi ito magdulot ng muling pagtaas ng mga kaso. Follow SMNI News on Twitter

Australia, pumirma ng anti-slavery accord kasama ang Thailand

Image
PUMIRMA ang Australian Foreign Affairs Minister na si Penny Wong ng kasunduan kasama ang Thailand na susuporta sa bagong training center na lumalaban sa human trafficking. Tutulong ang training center sa mga biktima ng trafficking at gagawin din itong liable sa kahit anong krimen na may kaugnayan sa forced labor. Ang parte ay hakbang ng Canberra kasama ang Association of Southeast Asian nations, ang tinatawag na ASEAN Australia Counter Trafficking Initiative. Ito ay isang 10 taong programa na inanunsyo noong 2019 na naglalayong i-rescue ang mga biktima at papanagutin ang mga may kaugnayan sa mga ganitong krimen. Aabot naman sa 300 kaso ng modern day slavery at human trafficking ang naiulat ng Australian Federal Police noong nakaraang taon. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Petisyon na inihain sa Korte Suprema laban sa proseso ng bilangan ng boto noong 2022 elections, handang sagutin ng COMELEC

Image
TINIYAK ng Commission on Elections (COMELEC) na nakahanda silang magpaliwanag at sagutin ang writ of mandamus na inihain ni dating Information and Communications Technology Undersecretary Eliseo Rio kahapon sa Korte Suprema kaugnay sa naging proseso ng bilangan nitong 2022 national elections. Gayunman ay nilinaw ni COMELEC spokesperson Atty. John Rex Laudiangc o na wala pa silang natanggap na kopya ng nasabing petisyon pero iisa lang naman aniya palagi ang kanilang komento sa mga kumukwestiyon sa kanilang mga proseso. Ito aniya ang COMELEC rules of procedure, gayundin ang rules on civil procedure o rules of court, na may binibigay na tamang lugar kung saan maaari itong kwestyunin ng sinoman sa pamamagitan ng due process ng batas at ng public order. Iginiit naman ng COMELEC na ang nasabing petisyon ay magbibigay-daan o ng tamang lugar sa lahat ng partido na sagutin ang nasabing isyu dahil sa umiiral na judicial process. Follow SMNI News on Twitter

Pastor Apollo C. Quiboloy, nais kilalanin ang mga matatapat na lingkod-bayan; SMNI Heroes Awards, bubuuin

Image
NAIS bigyang-pugay ni SMNI Honorary Chairman Pastor Apollo C. Quiboloy ang mga matatapat na lingkod-bayan sa ating bansa na silang nagsusulong ng tapat na pamamahala. Ito ang inanunsyo ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa kaniyang programang Spotlight nitong Huwebes, Nobyembre 3. Ayon kay Pastor Apollo, dapat lamang na kilalanin ang mga matatapat na lingkod-bayan upang maging huwaran sila sa lahat ng gustong pumasok sa public service. “Gumawa po tayo ng mga nominations para sa SMNI Heroes, kikilalanin natin, bibigyan natin sila ng award at ang SMNI ay magbibigay sa kanila ng recognition sa kanilang matapat na pamamahala para sa ating bansa at kasamang ayuda na, bilang pagkilala sa kanila,” ayon sa butihing Pastor. Hinikayat ni Pastor Apollo ang publiko na inominate nila ang mga lingkod-bayan na talagang huwaran at inilalaan ang buhay para sa kanilang mga kababayan na sinasakupan. Dagdag ng butihing Pastor na ang honesty o pagiging matapat ang isa sa mga pinaka batayan upang makat...

23 missiles, pinalipad ng North Korea sa East at West Coast ng Korean Peninsula

Image
NAGLUNSAD ng aabot sa 23 missiles ang North Korea kung saan ang isa ay umabot pa malapit sa territorial waters ng South Korea. Ayon kay South Korea Pres. Yoon Suk-Yeol , ang mga paglulunsad ng Norte ay isang paglabag sa teritoryo nito. Pinaaalerto naman nito ang militar para sa mas matinding probokasyon mula sa Norte. Samantala, inihayag din ng Norte na naglunsad ito ng 100 round ng artillery sa military buffer zone sa East Coast nito. Una nang inanunsyo ng Seoul na ang Norte ay naglunsad ng 3 short range ballistic missiles kung saan ang isa rito ay bumagsak 26 na kilometro sa timog ng northern limit line na de facto maritime sa pagitan nito at Pyongyang. Una nang nagkaroon ng air raid warning sa bansa dahil naiulat na patungo ito sa isla ng Ulleungdo bago pa tuluyang nag-landing sa Sea of Japan. Matatandaan na ang Ulleungdo ay isang popular na tourist destination na matatagpuan 50 kilometro mula sa Japanese claimed South Korean controlled Takeshima Islets na mas kilala sa Seou...

PBBM, sinaksihan ang paglagda ng 2 Contract Packages ng Metro Manila Subway Project

Image
SINAKSIHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang paglagda ng dalawang Contract Packages (CP) ng Metro Manila Subway Project (MMSP) ngayong araw. Sa pangunguna ng Department of Transportation ay nilagdaan na ang dalawang contracts para sa civil works ng apat na istasyon ng Metro Manila Subway. Ito ang konstruksyon ng Contract Package 102 o ang Quezon Avenue at East Avenue Stations at CP 103 o ang Anonas at Camp Aguinaldo Stations. Ang CP 102, na may kabuuang contract amount na P21 billion, ay in-award sa joint venture ng Nishimatsu Construction Co., Ltd. at D.M. Consunji Inc. Samantalang ang CP 103, na may kabuuang contract amount na P28 billion ay in-award sa Sumitomo Mitsui Construction Co., Ltd. Isinagawa ang ceremonial signing sa Malakanyang ngayong araw, Nobyembre 3. “The signing of these contract packages is a clear demonstration of this administration’s commitment to pursuing big projects, big infrastructure projects that will foster growth and revitalize the economy” a...

Education group sa Dubai, magbubukas ng 4 na bagong paaralan

Image
MAGKAKAROON ng 4 na bagong paaralan sa emirata ng Dubai sa mga susunod na taon kasunod ng anunsyo ng isang education group roon. Ayon kay Alan Williamson, Chief Executive ng Taaleem, ang isang paaralan ay bubuksan sa Mira at ang isa ay sa Jumeirah sa taong 2024. Dalawa pang paaralan, isa sa Dubai at ang ikalawa sa Abu Dhabi ay magbubukas sa 2025. Inihayag ni Williamson na ang bawat paaralan ay mayroong kapasidad para sa 1,600-2,000 estudyante. Ang mga fee naman para sa mga paaralan na ito ay tinatayang aabot sa 45,000-75,000 dirhams. Ang pagpapalawak na ito ay inanunsyo ng Taaleem Holdings kasabay ng paghahanda nito sa listahan sa Dubai Financial Market. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Electric Vehicle Council, nanawagan ng mas maraming electric vehicles sa Australia

Image
NANANAWAGAN ng mas maraming electric vehicles sa Australia ang Electric Vehicle Council roon. Higit 100 kumpanya na nag-ooperate sa Australia ang nag-joint force para bumuo ng Private Sector Electric Vehicle Alliance. Ang bagong buo na Electric Vehicle Council na ito ay humihiling ng matibay na National Electric Vehicle Strategy mula sa gobyerno ng Australia. Ang goal nito ay magkaroon ng aabot sa isang milyong electric vehicles sa mga daan sa Australia sa taong 2027. Nanawagan din ang alyansa ng mahigpit na fuel efficiency standard gaya ng nasa New Zealand, USA, at Europe. Nais din ng mga ito ng malawakang investment sa electric vehicle manufacturing sa pamamagitan ng Auto Industry Development Plan. Ilan naman sa sikat na kumpanyang kabilang sa nasabing alyansa ay BMW, BYD, Sixt, Hertz, IKEA, Microsoft, Woolworths, Heavy Vehicle Industry Association at National Roads and Motorists Association. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

RADM Caesar Bernard Valencia, sumalang sa one-on-one interview kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy

Image
IBINIDA ni Rear Admiral Caesar Bernard Valencia, ang Vice Commander at acting Flag Officer in Command ng Philippine Navy ang makasaysayang Museo ng Philippine Navy sa isang one-on-one interview kasama si SMNI Honorary Chairman Pastor Apollo C. Quiboloy sa SMNI Exclusive. Ani Valencia, maituturing na pinakamatandang museo sa bansa ang Philippine Navy Museum dahil na rin sa lugar kung saan ito itinayo. Ito ay matatagpuan sa Fort San Felipe, Cavite na kinikilala namang unang pantalan sa buong bansa. Ibinahagi rin ni Valencia kung ano nga ba ang matatagpuan sa loob ng Philippine Navy Museum. Dagdag ng Vice Commander ng Philippine Navy, isa sa mga nadiskubre sa Cavite ay ang 200-taong barko. Paalala naman ni Valencia sa mamamayang Pilipino na ang Pilipinas ay isang bansang kapuluan kung saan ang kasaysayan nito’y hinubog din sa alon ng karagatan. Tulad ng yamang-dagat ng bansa, mayaman ang kulturang Pilipino kaya aniya, dapat itong yakapin at ipagmalaki. Para naman kay Pastor Apo...

Pag-amyenda sa Trade Unions Act 1959, layunin na paramihin ang bilang ng unyon –Human Resources Ministry

Image
INIHAYAG ng Human Resources Ministry na ang pag-amyenda sa Trade Unions Act 1959 ay upang paramihin ang bilang ng unyon sa Malaysia. Inihayag ni Human Resources Minister Datuk Seri M. Saravanan na ang pag-amyenda sa Trade Unions Act 1959 ay hindi layon na sugpuin ang trade union, sa halip ay paramihin ang bilang ng mga unyon sa bansa. Ayon kay Datuk Saravanan ang Trade Unions (amendment) Bill 2022 ay matagumpay na naipasa bago ito mapawalang bisa noong nakaraang buwan. Kasabay nito, sinabi ni Datuk Saravanan na magbubukas ito ng mas maraming pagkakataon para sa mga manggagawa na sumali sa anumang unyon na kanilang pinili para sa kanilang benipisyo. Dagdag nito, ang pagkakaiba-iba ng mga unyon ng manggagawa ay inaasahang magkakaroon ng positibong epekto bukod pa sa pagbibigay sa mga manggagawa ng kalayaang pumili. Noong Oktubre 5, ipinasa ng Dewan Rakyat ang bill na naglalayong payagan ang higit sa isa na unyon na mabuo sa isang single workplace at paramihin ang miyembro ng mga u...

Infection rate ng COVID-19 sa Thailand, patuloy ang pagbaba

Image
PATULOY na bumabagsak ang infection rate ng COVID-19 sa Thailand kung saan kamakailan ay umabot na lamang ito sa average na 364 na kaso bawat araw. Ayon sa Public Health Permanent Secretary na si Dr. Opart Karnkawinpong, 2, 551 bagong kaso ang naitala sa linggong ito kung saan 33 katao ang nasawi. 76na porsyento naman sa mga nasawi ay hindi pa nabakunahan o iyong mga hindi nagsuot ng face mask sa mga lugar na maraming tao. Samantala, sa kabila ng pagpasok ng Thailand sa post pandemic period noong Oktubre 1, inihayag ni Dr. Opart na mahigpit pa rin ang pagmomonitor ng Disease Control Department sa COVID-19 situation sa bansa. Inihayag naman nito sa pag-aaral sa Omicron variant infections na mas maraming impeksyon ang naitala sa mga bata na mas mababa sa 4 na taong gulang. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Opsyonal na pagsusuot ng face mask sa silid-aralan, pinahihintulutan na ng DepEd

Image
INANUNSYO ng Department of Education (DepEd) ang pagpapahintulot ng hindi pagsusuot ng face mask sa mga silid-aralan. Ito ay alinsunod sa bagong panukalang inilabas ng MalacaƱang kung saan maaari nang tanggalin ng mga estudyante ang kanilang face mask habang umaattend ng in-person classes. Ayon kay DepEd spokesman Michael Poa, susundin ng DepEd ang Executive Order No. 7 at ipatutupad agad ito sa mga paaralan. Matatandaan na nauna nang inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang boluntaryong pagsusuot ng face mask sa outdoor areas. Follow SMNI News on Twitter

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

Image
PINAG-iingat ng anti-communsit group na Yakap ng Magulang ang mga sundalo at kapulisan na maghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa iba’t ibang panig ng bansa. Kasunod ito ng nangyaring ambush sa mga kasundaluhan sa lalawigan ng Abra habang maghahatid ang mga ito ng tulong para sa mga biktima ng lindol sa lalawigan. Umaasa si Relissa Lucena, pangulo ng Yakap ng Magulang Movement na hindi mangyayari ang karumal-dumal na ambush incident na ito sa mga tropa ng pamahalaan. Ito’y para maihatid nang mabilis at ligtas ang mga ayuda ng gobyerno kasama na rin ang mga tulong mula sa pribadong sektor. Ayon sa grupo, hindi panahon ng pananamantala ngayon kundi panahon ng pagkakaisa at pakikipagtulungan lalo na sa mga pamilya na nawalan ng tirahan at kabuhayan dahil sa nagdaang kalamidad. Follow SMNI News on Twitter

Heavy traffic, inaasahan sa NLEX at SLEX pagkatapos ng long weekend

Image
INAASAHAN na ngayon ng Metro Pacific Tollways Corporation ang pagdagsa ng mga motorista sa Metro Manila ngayong natapos na ang long-weekend. Inabisuhan ang lahat ng mga motoristang dadaan sa NLEX na icheck ang sitwasyon ng trapiko sa kanilang mga destinasyon at kung maari ay bumiyahe na nang maaga upang maiwasan ang traffic jams. Habang sa SLEX naman ay aasahang magkakaroon ng mabigat na daloy ng trapiko sa Calamba Entry, kung saan ang mga motorista ay nagmumula sa Batangas, Quezon, at San Pablo, Laguna. Sa mga motoristang naman na nangangailangan ng road assistance maaring tumawag sa kanilang mga hotlines sa: SLEX: 09176877539 Skyway SOMCO: 09175398762 At Star Toll: 09175117827 Follow SMNI News on Twitter