Pilot test ng Register Anywhere ng COMELEC, nakatakda na sa Disyembre

INIHAYAG ng Commission on Elections (COMELEC) na nakatakdang gawin sa 5 malls sa National Capital Region ang pilot test ng Register Anywhere Project (RAP) ng komisyon.

Ito ay matapos aprubahan ng Comelec en banc ang operation plan ng naturang programa.

Tutukuyin pa naman ng COMELEC ang 5 malls na ito para sa pilot test na gagawin kada Sabado at Linggo simula Disyembre 17 – 29 maliban sa Disyembre 24, 25 at 31 at Enero 1.

Sa panahon na isasagawa ang pilot test, ang mga qualified applicant na nakatira sa bansa ay maaring magregister sa mga booth ng RAP sa loob ng mga designated malls.

Maaari nilang isumite ang kanilang aplikasyon, documentary requirements at gawing biometrics sa site.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon