Infection rate ng COVID-19 sa Thailand, patuloy ang pagbaba

PATULOY na bumabagsak ang infection rate ng COVID-19 sa Thailand kung saan kamakailan ay umabot na lamang ito sa average na 364 na kaso bawat araw.
Ayon sa Public Health Permanent Secretary na si Dr. Opart Karnkawinpong, 2, 551 bagong kaso ang naitala sa linggong ito kung saan 33 katao ang nasawi.
76na porsyento naman sa mga nasawi ay hindi pa nabakunahan o iyong mga hindi nagsuot ng face mask sa mga lugar na maraming tao.
Samantala, sa kabila ng pagpasok ng Thailand sa post pandemic period noong Oktubre 1, inihayag ni Dr. Opart na mahigpit pa rin ang pagmomonitor ng Disease Control Department sa COVID-19 situation sa bansa.
Inihayag naman nito sa pag-aaral sa Omicron variant infections na mas maraming impeksyon ang naitala sa mga bata na mas mababa sa 4 na taong gulang.
Comments
Post a Comment