23 missiles, pinalipad ng North Korea sa East at West Coast ng Korean Peninsula

NAGLUNSAD ng aabot sa 23 missiles ang North Korea kung saan ang isa ay umabot pa malapit sa territorial waters ng South Korea.

Ayon kay South Korea Pres. Yoon Suk-Yeol, ang mga paglulunsad ng Norte ay isang paglabag sa teritoryo nito.

Pinaaalerto naman nito ang militar para sa mas matinding probokasyon mula sa Norte.

Samantala, inihayag din ng Norte na naglunsad ito ng 100 round ng artillery sa military buffer zone sa East Coast nito.

Una nang inanunsyo ng Seoul na ang Norte ay naglunsad ng 3 short range ballistic missiles kung saan ang isa rito ay bumagsak 26 na kilometro sa timog ng northern limit line na de facto maritime sa pagitan nito at Pyongyang.

Una nang nagkaroon ng air raid warning sa bansa dahil naiulat na patungo ito sa isla ng Ulleungdo bago pa tuluyang nag-landing sa Sea of Japan.

Matatandaan na ang Ulleungdo ay isang popular na tourist destination na matatagpuan 50 kilometro mula sa Japanese claimed South Korean controlled Takeshima Islets na mas kilala sa Seoul bilang Dokdo.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon