Electric Vehicle Council, nanawagan ng mas maraming electric vehicles sa Australia

NANANAWAGAN ng mas maraming electric vehicles sa Australia ang Electric Vehicle Council roon.
Higit 100 kumpanya na nag-ooperate sa Australia ang nag-joint force para bumuo ng Private Sector Electric Vehicle Alliance.
Ang bagong buo na Electric Vehicle Council na ito ay humihiling ng matibay na National Electric Vehicle Strategy mula sa gobyerno ng Australia.
Ang goal nito ay magkaroon ng aabot sa isang milyong electric vehicles sa mga daan sa Australia sa taong 2027.
Nanawagan din ang alyansa ng mahigpit na fuel efficiency standard gaya ng nasa New Zealand, USA, at Europe.
Nais din ng mga ito ng malawakang investment sa electric vehicle manufacturing sa pamamagitan ng Auto Industry Development Plan.
Ilan naman sa sikat na kumpanyang kabilang sa nasabing alyansa ay BMW, BYD, Sixt, Hertz, IKEA, Microsoft, Woolworths, Heavy Vehicle Industry Association at National Roads and Motorists Association.
Comments
Post a Comment