RADM Caesar Bernard Valencia, sumalang sa one-on-one interview kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy

IBINIDA ni Rear Admiral Caesar Bernard Valencia, ang Vice Commander at acting Flag Officer in Command ng Philippine Navy ang makasaysayang Museo ng Philippine Navy sa isang one-on-one interview kasama si SMNI Honorary Chairman Pastor Apollo C. Quiboloy sa SMNI Exclusive.
Ani Valencia, maituturing na pinakamatandang museo sa bansa ang Philippine Navy Museum dahil na rin sa lugar kung saan ito itinayo.
Ito ay matatagpuan sa Fort San Felipe, Cavite na kinikilala namang unang pantalan sa buong bansa.
Ibinahagi rin ni Valencia kung ano nga ba ang matatagpuan sa loob ng Philippine Navy Museum.
Dagdag ng Vice Commander ng Philippine Navy, isa sa mga nadiskubre sa Cavite ay ang 200-taong barko.
Paalala naman ni Valencia sa mamamayang Pilipino na ang Pilipinas ay isang bansang kapuluan kung saan ang kasaysayan nito’y hinubog din sa alon ng karagatan.
Tulad ng yamang-dagat ng bansa, mayaman ang kulturang Pilipino kaya aniya, dapat itong yakapin at ipagmalaki.
Para naman kay Pastor Apollo, nakikita nito na kulang pa ang mga Museo sa bansa.
Binigyang-diin ng butihing Pastor na mahalaga ang mga museo upang itaas ang kamalayan ng mamamayang Pilipino sa kasaysayan ng bansa.
Kaugnay rito, inilahad ni Pastor Apollo ang kanyang buong suporta sa pagpapaganda ng Philippine Navy Museum.
Ayon kay Valencia, bukas ang Philippine Navy sa pakikipagtulungan nito sa iba pang organisasyon para sa pagpopondo sa Philippine Navy Museum.
Kaugnay nito, pangungunahan naman ni Pastor Apollo katuwang ang SMNI sa pagtulong na lalo pang mapaganda ang Philippine Navy Museum.
Comments
Post a Comment