Opsyonal na pagsusuot ng face mask sa silid-aralan, pinahihintulutan na ng DepEd

INANUNSYO ng Department of Education (DepEd) ang pagpapahintulot ng hindi pagsusuot ng face mask sa mga silid-aralan.
Ito ay alinsunod sa bagong panukalang inilabas ng MalacaƱang kung saan maaari nang tanggalin ng mga estudyante ang kanilang face mask habang umaattend ng in-person classes.
Ayon kay DepEd spokesman Michael Poa, susundin ng DepEd ang Executive Order No. 7 at ipatutupad agad ito sa mga paaralan.
Matatandaan na nauna nang inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang boluntaryong pagsusuot ng face mask sa outdoor areas.
Comments
Post a Comment