QC LGU’s tutulong sa mga guro sa malagim na aksidente sa Bataan

LABIS na ikinalulungkot ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Quezon ang pangyayari sa naganap na insidente na ikinasawi ng isang guro matapos silang umatend sa isang seminar sa Bataan.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, handang tumulong ang QC LGU’s sa pangangailangan ng mga nasangkot sa insidente.

Dumating ang mga medic sa nasabing lugar ng Urban Search and Rescue personnel ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) sa Orani, Bataan upang makipag-ugnayan at suriin ang mga guro ng pampublikong paaralan ng QC na naaksidente matapos mahulog ang kanilang bus sa Bangin sa Orani, Bataan kamakailan.

Nakipag-usap na sila sa Command Center upang malaman kung kinakailangan dalhin ang mga guro sa Quezon City General Hospital.

Sa pahayag ng lokal na pamahalaan ng Quezon City, ang bus na nahulog sa bangin sa Orani, Bataan ay isa sa tatlong bus na donasyon ng city government sa Schools Division Office noong 2016.

Ang dinaluhang capacity building activity ng Public School Gender and Development (GAD) coordinators ay inorganisa at may pahintulot ng DepEd-Schools Division Office Quezon City.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo