Ex. Cong. Pichay, ‘di na maaaring humawak ng anumang posisyon sa gobyerno

PINAL na ang desisyon ng Supreme Court na tanggalan ng karapatan si dating Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.
Ito ay kasunod na mapagtibay ang unang desisyon ng SC First Division kaugnay sa utos ng Office of the Ombudsman na pagbawalan na si Pichay na humawak ng anumang government posisyon.
Matatandaan na naglabas ng ‘dismissal order na perpetual disqualification from holding any public office‘ ang Office of the Ombudsman noong 2001 laban kay Pichay bunsod ng pagbili nito ng Local Water Utilities Administration (LWUA) sa halagang P80-M kahit hindi aprubado ng Monetary Board (MB).
Batay sa resolusyon ng SC First Division na inilabas pa noong Nobyembre 2021, ibinasura ang petisyon ni Pichay na ipawalang-bisa ang kanyang administrative at criminal liabilities.
Comments
Post a Comment