Australia, pumirma ng anti-slavery accord kasama ang Thailand

PUMIRMA ang Australian Foreign Affairs Minister na si Penny Wong ng kasunduan kasama ang Thailand na susuporta sa bagong training center na lumalaban sa human trafficking.
Tutulong ang training center sa mga biktima ng trafficking at gagawin din itong liable sa kahit anong krimen na may kaugnayan sa forced labor.
Ang parte ay hakbang ng Canberra kasama ang Association of Southeast Asian nations, ang tinatawag na ASEAN Australia Counter Trafficking Initiative.
Ito ay isang 10 taong programa na inanunsyo noong 2019 na naglalayong i-rescue ang mga biktima at papanagutin ang mga may kaugnayan sa mga ganitong krimen.
Aabot naman sa 300 kaso ng modern day slavery at human trafficking ang naiulat ng Australian Federal Police noong nakaraang taon.
Comments
Post a Comment