Anini-y, Antique, niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ngayong umaga

NIYANIG ng magnitude 4.8 na lindol ang Anini-y, Antique ngayong umaga ng Biyernes.

Naitala ang pagyanig sa 13 kilometro timog-kanluran ng bayan ng Anini-y kaninang alas 7:16 ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 20 kilometro.

Naitala ang Intensity I sa San Jose de Buenavista at Culasi, Antique.

Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo