Zubiri, inaasahang aaprubahan ang 2023 budget ng Senado

INAASAHAN ni Senate President Juan Miguel ”Migz” Zubiri na aprubahan na ng Senado ang P5.268-T 2023 budget ngayong buwan.
Ipinagpatuloy kahapon ang first regular session ng 19th Congress para sa plenary deliberation ng proposed 2023 General Appropriations Bill.
Umaasa naman ang senador na maaprubahan ng bicameral conference committee ang proposed national budget sa buwan ng Disyembre.
Samantala, nagpaabot ng pasasalamat si Zubiri sa lahat ng mga masisipag na senador dahil sa kanilang mahusay ng pamumuno sa kanilang mga subcommittees at pagbibigay prayoridad sa 2023 national budget.
Comments
Post a Comment