P45-M, ipinagkaloob ng gobyerno sa 611 na mga dating kalaban ng estado sa bansa

UMABOT na sa 611 na mga dating kalaban ng estado ang napagkalooban ng pamahalaan ng pinansiyal na tulong sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Layon nitong bigyan ng maayos na pamumuhay ang mga indibidwal na naisipang magbalik-loob sa pamahalaan kasama ang kani-kanilang pamilya sa pagbabagong buhay.

Ayon kay Interior Secretary Benhur Abalos, malaking bagay ang programang ito lalo na sa pagsisimula ng bagong buhay ng mga dating kalaban ng estado.

Sa kabuuan, umabot na sa mahigit 45 milyong piso ang ipinagkaloob ng pamahalaan sa ilalim ng nasabing programa.

Nakapaloob dito ang pangkabuhayan, suporta sa edukasyon, pabahay, medical assistance at marami pang iba.

Umaasa ang pamahalaan na madadagdagan pa ang mga magbabalik-loob sa gobyerno hanggang sa tuluyang makamit ang kapayapaan sa bansa bukod sa tuluy-tuloy na military operations ng mga kasundaluhan.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon