Posts

Showing posts from April, 2023

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon

Image
INAALALA ngayon sa Estados Unidos ang mass shooting sa 20 mga grade-schoolers at ilang mga guro sa Sandy Hook Elementary School, 10 taon na ang nakararaan. Ang nakagigimbal dito, patuloy pa rin ang insidente ng mga mass shooting sa Amerika. Noong Disyembre taong 2012, 20 mga bata na mga 1st graders at 6 na empleyado ng paaralan ang brutal na pinagpapatay ng isang mass shooter sa Sandy Hook Elementary School sa Connecticut. Ang insidenteng hindi mawari noon, ay karaniwan na lang ngayon sa Amerika . 10 taon na ang nakalilipas, isang binatilyo ang pumasok sa Sandy Hook Elementary School sa Newtown, Connecticut, dala ang AR-15 na baril at walang awang pinatay ang 20 mga 1st graders pati na rin ang anim na kawani ng paaralan. Pagkaraan ng isang dekada, ang karahasan ng baril ay naging pangunahing sanhi ng kamatayan ng mga kabataan sa Estados Unidos. Mas mataas ang bilang ng karahasan sa baril sa mga bata sa Amerika kung ikukumpara sa iba pang progresibong mga bansa. Sa isang remem...

BREAKING: Pumanaw na ang founding chair ng Communist Party of the Philippines na si Jose Maria Sison

Image
PUMANAW na ang founding chair ng Communist Party of the Philippines na si Jose Maria Sison sa edad na 83, ito ang kinumpirma ni CPP Chief Information Officer Marco Valbuena. “He passed away yesterday at around 8:40 p.m. (PH time) after two weeks of confinement in the hospital.” [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

SSS, hindi babawiin ang pagpapatupad ng contribution hike sa Enero 2023

Image
NAGPALIWANAG ngayon ang Social Security System (SSS) kung bakit hindi na maaaring ipagpaliban pa ang nakaambang contribution hike sa darating na Enero. Ayon kay SSS President at CEO Michael Regino, ito ay alinsunod na rin sa Republic Act No. 11199 o ang Social Security Act of 2018 na magkaroon ng dagdag kontribusyon o katumbas ng 14% pagtuntong ng 2023. At dahil nakapaloob ito sa batas, ang tanging paraan lang para maipatigil ito ay sa pamamagitan ng pag-amyenda sa batas. Aniya, kinakailangan talagang ipatupad ang pagtaas ng kontribusyon para pahabain ang fund life ng SSS hanggang 2054. Sa tulong din aniya nito ay masisiguro ang mas mataas na benepisyo sa milyun milyong miyembro at pensioners nito. Kaugnay nito, muli namang nilinaw ng SSS na walang dapat ipag-alala ang mga manggagawa dahil employers lamang ang sasalo ng 1% hike sa kontribusyon. Matatandaang, tinutulan ng grupong Employer’s Confederation of the Philippines dahil wrong timing ang contribution hike ng SSS. Anila,...

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Image
OPISYAL nang inilunsad ng Pag-IBIG Fund ang kanilang bagong App para mas mailapit ang serbisyo nito sa kanilang mga miyembro. Kasabay ng pagdiriwang ng ika-42 anibersaryo ng ahensya noong Miyerkules, Disyembre 14 ay inilunsad ang Virtual Pag-IBIG Mobile App. Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ikinalugod nito ang bagong App ng ahensya kung saan kinikilala rin ng Pangulo ang mga nagawa ng Pag-IBIG Fund sa mga nakaraang taon. “Ngayon, tinatanggap din namin ang paglulunsad ng Virtual Pag-IBIG Mobile Application. Ilalapit ng App ang mga serbisyo at benepisyo ng Pag-IBIG Fund sa bawat Pilipino,” saad ni Pangulong Marcos. Tiniyak naman ni Sec. Jose Rizalino Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na siya ring namumuno sa 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees, na patuloy na gagamitin ng Pag-IBIG Fund ang teknolohiya ng impormasyon upang pagbutihin ang mga proseso at serbisyo nito.  “I congratulate the Pag-IBIG Fund for launching the Vir...

DTI, muling nag-inspeksyon ng Noche Buena items sa isang grocery store

Image
MULING nagsagawa ng inspeksyon ang Department of Trade and Industry (DTI) sa presyo ng Noche Buena items sa isang grocery store sa Carriedo, Manila. Pinangunahan ito ni DTI Undersecretary Ruth Castelo. Sa inspeksyon, nakita na mas mababa nang kaunti ang presyo ng ilang Noche Buena sa Isetann Supermarket kumpara sa inilabas na price guide. Una nang sinabi ng DTI na kayang pagkasyahin ang P488 budget para sa Noche Buena kung saan maari nang makapaghanda ang isang pamilya na may limang miyembro ng spaghetti, fruit salad, tinapay at ham. Follow SMNI NEWS in Twitter

Mahalagang papel ng mga kabataan sa nation building, kinilala ng mga kabataang lider

Image
TUNAY nga na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Para sa mga partisipante ng 13th National Youth Parliament (NYP) na inorganisa ng National Youth Commission , walang ibang susunod sa yapak ng mga namumuno sa bansa kundi ang mga kabataan. Binigyang-diin ng mga ito ang mahalagang papel ng mga kabataan sa nation building at kanilang partisipasyon tungo sa pag-unlad ng bayan. Ayon sa National Society of Parliamentarians Inc., mahalaga na ang mga kabataan ay maagang mamulat sa kanilang papel sa komunidad. Dagdag nito na ang isinagawang National Youth Parliament ay isa sa paraan upang linangin ang kaalaman ng mga kabataang lider sa pagtugon sa mga isyu na kinakaharap ng nasabing sektor sa pamamagitan ng paggawa ng mga polisiya. Sinang-ayunan naman ito ng mga partisipante na anila’y naniniwala sila na ang paglahok sa ganitong mga pagtitipon ay hakbang upang maging mahusay na mga lider ng bansa. Follow SMNI NEWS in Twitter

PBBM, nairaos ang speech sa ASEAN-EU Commemorative Summit kahit paos; Bilyun-bilyong investments, iuuwi

Image
THE show must go on pa rin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagdalo nito sa ASEAN – EU Commemorative Summit Miyerkules, December 14 sa Belgium . Kahit walang boses dahil sa lamig ng panahon dito sa Brussels, ay iniraos pa rin ng Pangulo ang kanyang talumpati sa opening speech ng pagtitipon. “Your majesty, your excellencies. President Michelle, EU Commissioned President Ursula Von Der Leyen. Distinguished guest, ladies, and gentlemen,” bungad ng talumpati ni Pangulong Marcos . Dahil sa kanyang kondisyon, hindi nakadalo sa scheduled press con ng Malacañang Press Corp si Pangulong Marcos nitong Martes. At pinagpahinga ang kanyang boses para sa mga ganap ngayong araw. Bilyun-bilyong investments naman ang iuuwi ng Pangulo matapos makipagpulong sa apat na malalaking multi-national companies sa Europa. Kasama diyan ang P4.7-B na investment deal mula sa multinational company na Unilever. Bukod sa Unilever, selyado na rin ang P1.5-B investment deal ng Pilipinas sa Fre...

Sen. Jinggoy, pinapurihan si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo para sa world champion gold

Image
INIHAIN ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang Senate Resolution Number 379 bilang pagkilala at pagbati sa pinakabagong tagumpay ng kauna-unahang Olympic gold medalist sa bansa na si Hidilyn Diaz-Naranjo . matapos maging world champion sa larangan ng weightlifting. Si Hidilyn ay nag-uwi ng tatlong gintong medalya at itinanghal na world champion sa women’s 55-kilogram category sa 2022 International Weightlifting Federation (IWF) World Weightlifting Championships na isinasagawa sa Bogota, Colombia. “Patuloy na nagbibigay ng malaking karangalan sa bansa si Diaz at patunay nito ay ang kanyang kahanga-hangang performance sa world arena. Ang kanyang pinakahuling tagumpay ay nararapat na papurihan ng Senado,” pahayag ni Senator Jinggoy. Ani Estrada, patuloy na nagbibigay ng malaking karangalan sa bansa si Diaz at patunay nito ay ang kanyang kahanga-hangang performance sa world arena. Aniya, ang kanyang pinakahuling tagumpay ay nararapat na papurihan ng Senado. “Ang kanyang pinakahu...

Romualdez, gustong masertipikahan ni PBBM bilang urgent ang panukalang MIF

Image
NAIS pasertipikahang urgent ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) . Ayon kay Romualdez, -thirds na sa mga miyembro ng House of Representative ang nagpahayag ng suporta sa panukalang batas. Handa aniya ang mga mambabatas na ito na maging co-author ng panukala kung saan siya ang principal author. Una nang sinabi ni Pangulong Marcos na tiyak na kapaki-pakinabang sa mga Filipino ang Maharlika Fund. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Direct flights mula Manila papuntang Belgium, magkakaroon na –PBBM

Image
ISA sa mga malaking resulta ng lakad ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ay ang nakatakdang pagkakaroon ng direct flights mula Manila to Brussels, Belgium. Ayon sa Brussels Airport Company, win-win para sa Pilipinas at Belgium ang kasunduan. “We are working on the opportunity to have a direct flight between Manila and Brussels… And we think that basically there is a win-win for both countries to be connected directly,” pahayag ni Arnaud Feist, CEO ng Brussels Airport Company. Interesado naman ang Philippine Airlines sa plano at nagpahayag ng kahandaan na magbukas ng direct flights sa Belgium. Sa ngayon kasi, may stop over sa Dubai International Airport ang lahat ng bibiyahe patungong Belgium via commercial flight. “That’s really the vision that we are excited to see. We want to improve the economic activities in the Philippines and also here,” pahayag ni Stanly Ang, PAL President, CEO. Samantala, bubuo ng advisory council si Pangulong Marcos para tugunan ang prob...

Nakakamatay na E.coli bacteria, nakita sa nasabat na smuggled white onions –DA

Image
BINALAAN ng Department of Agriculture (DA) ang publiko laban sa pagtangkilik sa mga smuggled na agricultural products. Ito ay matapos lumabas ang resulta ng phytosanitary inspection ng Bureau of Customs (BOC) sa mga nasabat na milyong-milyong pisong halaga ng smuggled white onions sa Maynila kamakailan. Ayon kay Agriculture Deputy spokesperson Rex Estoperez, natuklasan sa pagsusuri na may E.coli bacteria ang mga smuggled na puting sibuyas. Ito ang dahilan kung bakit hindi nila itinuloy ang una nilang plano na ibenta ang mga ito sa mga Kadiwa store. Ang E.coli bacteria ay nakukuha mula sa mga kontaminadong pagkain o tubig na mapanganib sa kalusugan ng tao lalo na sa mga bata. Maaring magdulot ng diarrhea o pananakit ng tiyan at pagsusuka ang sinuman na may E.coli bacteria sa loob ng katawan. Posible ring maapektuhan ang kidney at maaring magdulot ng pagkasawi. Ang nakitang E.coli bacteria sa smuggled puting sibuyas ay hindi nalalayo sa water quality na nasuri noon sa Boracay. ...

OFWs, malaking tulong sa magandang ugnayan ng Pilipinas at Belgium –PBBM

Image
SUMALUBONG kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. (PBBM) ang masigabong palakpakan at hiyawan nang makipagkita ito sa Filipino community mula Belgium at ibang karatig bansa sa Europa. Bago magsimula ang ASEAN-EU Summit, ang pagbati sa mga overseas Filipino worker (OFW) ang unang schedule ng Pangulo. “Sabi ko sa inyo, ito talaga ang pinakamasayang pinupuntahan namin dahil mas masaya sa lahat ang mga Pinoy na makita, lalong-lalo na kayo ‘yung matagal nang nagtatrabaho sa labas, nagtatrabaho sa abroad,” pahayag ni PBBM. Mahigit limang libo ang mga Pinoy sa Belgium kung saan mayorya sa bilang na ito ay domestic workers. Number of Filipinos in Belgium: Permanent Migrants: 3,984 Irregular / Undocumented Migrants: 1,663 Total:5,647 Source: Office of the Press Secretary Kaya sa nakatakdang pulong ni PBBM kay King Philippe ng Belgium, taas noo rawng ipagmamalaki ng Pangulo ang ambag ng OFWs sa pagpapabuti ng relasyon ng dalawang bansa. “On this visit, I will have a Royal...

Ilang lugar sa Metro Manila, mawawalan ng tubig ngayong linggo

Image
ISANG linggong mawawalan ng tubig ang ilang lugar sa Metro Manila at sa kalapit na probinsiya nito. Sa anunsiyo ng Maynilad Water Services Incorporated, magkakaroon sila ng network maintenance para sa system upgrade sa West Zone Service Area upang mapabuti ang kanilang serbisyo sa mga konsyumer. Mawawalan ng suplay ng tubig simula ngayong araw at magtatagal hanggang Disyembre 18 o sa araw ng linggo. Kabilang sa mga lugar na apektado sa Quezon City ay ang Barangay Bungad, Paltok, San Antonio sa may Roosevelt Cor., M.H. Del Pillar, Brgy. Samson, Balingasa, Doña Imelda Marcos, Manresa partikular sa Toctocan Cor., Ventura St. Maging ang Barangay 8 at 12 sa Alimasag Caloocan City. Apektado rin ang Brgy. Tanza Uno at Tanza Dos sa Imus City at ilan pang bahagi sa lalawigan ng Cavite. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Bay Area Dragons, kauna-unahang koponan na pasok sa semifinals ng PBA playoffs

Image
PANALO ang Bay Area Dragons kontra Rain or Shine Elasto Painters sa iskor na 126-96 sa nagpapatuloy na PBA playoffs. Sa kabila ito ng pagkakaroon ng foot injury ni Myles Powell, ang kanilang point guard na American import. Dahil sa naturang pagkapanalo, ang Bay Area ang kauna-unahang koponan na pasok sa semi-finals ng PBA playoffs. Kasabay nito, naniniwala na rin si Bay Area Dragons Head Coach Brian Goorjian na makaka-recover na si Powell bago isagawa ang semi-finals sa December 14 o December 16 at makakalaro na muli ito para sa koponan. Follow SMNI NEWS in Twitter

Sen. Imee Marcos muling nagtungo sa Pangasinan; 2 bayan nakatanggap ng tig P3-M ayuda

Image
MULING binalikan ng Presidential sister at Senadora Imee Marcos ang probinsya ng Pangasinan upang mamahagi ng tulong pinansyal sa mga nangangailangan. Una itong nagtungo sa bayan ng Manaoag Pangasinan at masayang ibinalita na mayroong 3 milyong pisong halaga ng financial assistance na ipamamahagi sa isang-libong residente sa nasabing bayan sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Matapos ito ay agad na nagtungo ang senadora sa bayan ng San Fabian Pangasinan at dito panibagong isang-libong residente naman sa bayan ng San Fabian ang nabiyayaan ng ayuda sa ilalim ng kaparehong programa ng DSWD. Ang mga benepisyaryo ng nabanggit na tulong pinansyal ay mga solo parents, persons with disabilities and special needs, senior citizens, at mga indigent mula sa nasabing bayan. Nagpapasalamat naman sina San Fabian Mayor Marlyn Agbayani at Vice Mayor Constante B. Agbayani sa naging pagbisita ni Senat...

Indonesian Navy at Philippine Navy, nagkasundong patatagin ang kooperasyon

Image
NAGKASUNDONG patatagin ang kooperasyon ng Indonesian Navy at Philippine Navy . Isinagawa ang ika-13 Navy-to-Navy Cooperation Meeting sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia sa bansa. Pinangunahan ito nina Philippine Navy Chief of Naval Staff Commodore Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta, at Vice Assistant Chief of the Indonesian Navy for Operations First Admiral Retiono Kunto. Nagkasundo ang dalawang bansa na patatagin ang kanilang kooperasyon sa pamamagitan ng high-level meetings, bilateral at multilateral naval exercises, naval operations, at education and training exchanges. Maituturing itong milestone sa relasyon ng Indonesia at Pilipinas na nakasentro sa rules-based order at pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan ng rehiyon. Taong 2010 nang magsimula ang Navy-to-Navy dialogue na binibigyang-diin ang bilateral defense ties sa pagitan ng dalawang ASEAN countries . [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Tracker team, handa nang tugisin ang mga suspek sa nawawalang sabungero

Image
HINIHINTAY na lamang ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang warrant of arrest laban sa mga suspek sa nawawalang sabungero. Ito ang inanunsyo ni CIDG director Police Brigadier General Ronald Lee kasunod ng ika-25 case conference sa mga nawawalang sabungero. Dinaluhan ito ng mga pamilya ng biktima na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin sa development ng kaso. Ayon kay Lee, wala pa silang timeline dahil sa hirap ng kaso. Pero mayroon na aniyang tracker team ang CIDG para matukoy ang lokasyon ng mga suspek. Nanawagan ang pulisya sa may impormasyon sa kinaroroonan ng mga nawawalang sabungero na makipagtulungan sa kanila. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Pagbaba ng unemployment rate sa bansa, dahil sa tuluy-tuloy na pagbubukas ng ekonomiya –grupo ng mga employer

Image
INIHAYAG noong Miyerkules ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagbaba ng unemployment rate sa bansa o bilang ng mga walang trabaho o negosyo sa 2.24 million. Para kay Employers’ Confederation of the Philippines (ECOP) at Philippine Exporters’ Confederation Incorporated President Sergio Ortiz Luis Jr., ito ay posibleng dahil sa nagpapatuloy na pagbubukas ng ekonomiya sa Pilipinas kasabay ang pagluluwag ng mga pandemic restriction. “Unang-una, tuluy-tuloy ‘yung ating pagbubukas ng ekonomiya. Maraming kompanya ang hindi nakasarado, nakabukas na at ‘yung programa natin sa Build, Build, Build siyempre at marami rin tayong programa roon sa mga tourism industries, mga hotel, mga resorts, restaurants sa mga nagbubukas. So, maraming na-employed at tuluy-tuloy naman ang trabaho natin doon sa manufacturing at saka construction,” pahayag ni Luis. Dagdag din ni Luis, nakatutulong din ang pagbibiyahe abroad ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. dahil  isa itong atraksyon ng pamumuhu...

P9.9-B kabuoang halaga ng iligal na droga, nakumpiska sa unang 5 buwan ng Marcos admin

Image
INIULAT ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na aabot na sa P9.9-B ang kabuoang halaga ng nakumpiska nilang iligal na droga sa ilalim ng Marcos administration. Ayon kay DILG Sec. Benhur Abalos, saklaw ng kanilang datos ang unang limang buwan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa panunungkulan. Mula July 1 hanggang November 24 rin ngayong taon ay nakagawa na sila ng 24, 159 na drug-related arrests. Nauna nang sinabi ng Marcos administration na ipagpapatuloy nila ang drug war campaign na unang inilunsad ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Binigyang-diin ng kasalukuyang administrasyon na tututok sila sa prevention at rehabilitation ng mga nasasangkot sa iligal na droga. Follow SMNI News on Twitter

Digitalization at paperless transactions, palalakasin ng LTO

Image
MAARI nang magamit bilang katibayan ng transaksyon sa Land Transportation Office (LTO) ang mga official receipt (OR) na naka-imprenta sa ordinaryong bond paper. Kaugnay ito ng pagpapalakas ng paperless transactions at digitalization sa lahat ng tanggapan ng LTO sa bansa. Sa pamamagitan ng memorandum na nilagdaan ni LTO Assistant Secretary Jose Arturo Tugade, hindi na magbibigay ng OR na nakaimprenta sa security paper ang para sa mga transaksyon na isinasagawa sa Land Transportation Management System (LTMS), online man o over-the-counter. Inaatasan din ang lahat ng law enforcement officers na kilalanin o tanggapin ang OR na nakaimprenta sa ordinaryong bond paper. Sa hiwalay naman na memo ni Tugade, inaabisuhan ang mga law enforcer na huwag nang obligahing magprisinta ng OR ang mga mahuhuling motorista kung nakapagpakita na ng driver’s license nito. Samantala, gumagamit pa rin sa ngayon ng security paper para sa pag-imprenta ng certificate of registration (CR) ng mga sasakyan. Fo...

Mga mambabatas sa California, papatawan ng parusa ang mga oil companies na sasamantala sa pagtaas ng presyo ng gas

Image
KINUKONSIDERA ng mga mambabatas sa California na bigyang parusa ang mga kumpanya ng langis na sinasamantala ang pagtaas ng presyo ng gasoline. Kasama sa agenda ng mga bagong halal na mambabatas ng California at ng gobernador nito na si Gavin Newsom ang mga nakatakdang parusa sa mga hindi wastong kita ng mga kumpanya ng langis kasabay ng tumataas na halaga ng mga presyo ng gasolina. Nauna nang inakusahan ni Gobernador Gavin Newsom ang malalaking industriya ng langis na “nag-ooverprice ng presyo” sa mga gasolinahan bilang isang paraan upang tanggalin ang paggamit ng estado ng fossil fuel na isang inisyatiba upang pigilan ang pagbabago ng klima. Gayunpaman, ayon sa kumpanya ng langis, ang mga patakaran ng estado ay maaring maging isang hamon sa kakaunting mga kumpanya na hindi nagpapataas ng mga presyo ng gas. Bilang tugon sa tumataas na presyo ng langis, nangako si Newsom na pagmumultahin niya ang kumpanya ng langis kung mapapatunayan ang iregularidad sa kanilang kinikita mula rito...

SSS at GSIS, laglag na sa Maharlika Investment Fund Act

Image
HINDI na huhugutin sa SSS at GSIS ang capital fund para sa Maharlika Investment Fund Act (MIF) . Ayon kay House Appropriations Committee Senior Vice-Chairperson Stella Quimbo, na-validate nila sa Kamara ang pangamba ng marami na baka mawindang ang perang matagal na pinaghirapang hulugan ng mga pensioner. “Na-validate iyong agam-agam of our pensioners, lalo na ang masisipag na manggagawang Pilipino na buwang-buwang naghuhulog,” ani Quimbo sa isang press conference. Ayon naman kay Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos , sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na lamang kukunin ang pondo para dito. Diin ng batang Marcos, ginawa nila ang pagpapasya matapos kunsultahin ang stakeholders ng proposed MIF. Sa paunang bersyon ng panukala, gagamiting seed money ang available na pondo mula sa government financial institutions (GFIs) gaya ng SSS at GSIS. Ayon naman kay Quimbo, layon nilang makahanap ng ‘surplus fund’ para i-invest at palaguin upang magamit sa mga p...

PBBM, inatasan ang PSA na bilisan ang pag-imprenta ng PhilSys digital ID

Image
NAGBIGAY ng direktiba si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. (PBBM) sa Philippine Statistics Authority (PSA) na i-fast-track ang pag-imprenta ng digital version ng Philippine Identification System (PhilSys) ID. Ang naturang kautusan ay matapos ang pulong ni PBBM kasama si National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan at ang PSA officials araw ng Martes. Ayon kay PBBM, nais niyang makapag-print out na ng maraming PhilSys digital ID, saka isunod ang physical ID sa lalong madaling panahon. Napag usapan naman sa meeting ang kapasidad ng pag-imprenta kung saan kabilang sa mga isyung naungkat ang late na pag umpisa ng ‘flow of data’. Sa kabila nito, naiulat sa Punong Ehekutibo na naayos na ang daloy ng datos mula PSA patungo sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Sinabi ni PSA Undersecretary Dennis Mapa na patuloy itong nakikipagtulungan sa BSP para mas mapabilis at mapalakas pa ang volume ng produksyon at pag-imprenta ng Phil ID. Nauna nang tinu...

Pagsusuot ng face mask, maaring ibalik sa LA dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19

Image
POSIBLENG ipatupad ng county ng Los Angeles ang mga mandato sa pagsusuot muli ng face mask dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 at mga ospital sa syudad. Ayon kay LA County Public Health Director Barbara Ferrer, ang pinakamalaking county sa Amerika ay pumalo na sa “medium” level ng transmission ng COVID-19 at kakailanganin na umpisahan ang pagsusuot muli ng mask kung umabot ito sa high category. Simula noong Disyembre 1, ang LA County ay may average na 2,490 na mga bagong kaso ng COVID-19 kada araw. Ipinapakita ng data ng departamento ng kalusugan na ito ang pinakamataas na bilang mula noong Agosto 26. Mayroong 1,164 na mga residente ang kasalukuyang naospital sa LA dahil sa COVID-19, na siyang pinakamataas na bilang ng mga pasyente na nakita mula noong Agosto. Ang pang-araw-araw na pagkamatay ay mababa ngayon na may 14 lamang na naiulat, ngunit ang bilang ay maaaring tumaas dahil ang mga pagkamatay na nauugnay sa COVID-19 ay sumusunod pagkaraan ng ilang linggo m...

Proposed Virology and Vaccine Institute of the PH, lusot na sa Kamara

Image
LUSOT na sa pinal na pagbasa Kamara ang House Bill 6452 o ang proposed Virology and Vaccine Institute of the Philippines (VVIP). 216 na mga kongresista ang bumoto pabor sa panukala na layong magtayo ng sariling government arm para pag-aralan ang lahat ng potential disease-causing agents na makakaapekto sa tao. Layon ng panukala na gamitin ang Virology and Vaccine Institute of the Philippines  na pag-aralan ang lahat ng pathogens gamit ang makabagong approach tulad ng molecular biology at bioinformatics. Nais din ng itatayong VVIP na mag-develop ng mga bakuna at therapeutics laban sa papausbong na mga virus at pathogen. At ang pagbubukas ng virology laboratory, virus gene bank at virus genome laboratory na tututok sa paghahanda sa disease prevention at epidemiological studies. Ang panukala ay inihain bilang aral ng pamahalaan sa pananalasa ng COVID-19 na nakaapekto ng malaki sa health capacity ng bansa dahil sa kawalan ng sariling tanggapan laban dito. [embedded content] F...

Paglalabas ng higit P2-B pondo para sa insurance premium subsidy ng indigent members ng PhilHealth, inaprubahan na

Image
INAPRUBAHAN na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng higit dalawang bilyong piso (P2,021,895,000.00) sa PhilHealth. Sakop ng nasabing pondo ang National Government (NG) health insurance premium subsidy para sa mga mahihirap na miyembro. Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na sinasaklaw ng Special Allotment Release Order (SARO) ang subsidya ng natitirang mahigit 600,000 (673,965) indigent members. Naka-enroll ang mga ito sa ilalim ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) para sa Enero hanggang Disyembre 2022 o ang final billing period. Sa ngayon, naglabas ang DBM ng mahigit P79.93 bilyon sa pamamagitan ng tatlong magkahiwalay na SARO para sa subsidya na tumutugma sa iba’t ibang billings para sa buong taon ng 2022. Sinasaklaw nito ang mga premium ng health insurance ng higit 21.1 million (21,161,308) indirect contributors. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

National Support Unit ng PNP, tutulong sa imbestigasyon sa mga nawawalang sabungero

Image
PINATUTULONG ng Philippine National Police (PNP) ang National Support Unit (NSU) sa imbestigasyon sa mga nawawalang sabungero. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na makakatuwang ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang NSU upang maresolba ang pagkawala ng 34 na sabungero. Nitong nakaraang linggo, sinampahan ng PNP ng kasong kidnapping at serious illegal detention ang 2 suspek sa ‘secret’ cellphone video, kung saan makikitang nakaposas ang biktima na si Michael Bautista. Pinangalanan bilang respondents sina Julie Patidongan, alyas Dondon na umano’y staff sa isang farm sa Brgy. Palasan, Sta. Cruz, Laguna at isang John Doe. Samantala, aminado si Azurin na may namo-monitor pa rin silang operasyon ng online sabong kaya inatasan niya ang lahat ng regional director na tukuyin ang mga nasa likod ng iligal na gawain. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Dating US President Bill Clinton, nag-positibo sa COVID-19

Image
NAG-positibo sa COVID-19 si dating US President Bill Clinton. Subalit nakararanas lamang ito ng mild symptoms. Sa kanyang Twitter post, sinabi ng dating presidente na maayos ang kanyang kalagayan at unti-unti nang bumabalik ang sigla ng kanyang katawan. Dahil dito, nagpasalamat si Clinton na siya ay nabakunahan kung kaya’t mild lang ang kanyang symptoms. Hinikayat niya na rin ang publko na magpabakuna kontra COVID-19. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Canada, proud pa rin matapos magtapos ang World Cup adventure nito

Image
IPINAGMAMALAKI pa rin ni Canada coach John Herdman ang team nito sa kabila ng pagtatapos ng World Cup adventure nito matapos itong matalo ng Morocco at sa ikatlong sunod na pagkakataon. Nagbalik ang Canada sa World Cup sa unang pagkakataon simula 1986 finals sa Mexico matapos nitong i-domina ang CONCACAF region qualifiers. Ngunit hindi nito nagawang sundan ang winning form nito sa Group F kung saan tinalo ito ng Belgium at Croatia bago tuluyan itong pauwiin ng Morocco. Sa kabila nito ay ipinagmamalaki pa rin ni Coach Herdman ang kanyang team at sinabing matagal na simula nang nakapaglaro sila sa World Cup at bagaman nais sana nilang patagalin pa ang kanilang adventure ay nag-enjoy naman sila sa kanilang karanasan. Follow SMNI News on Twitter

Kauna-unahang pagtitipon ng Filipino communities at associations sa Malaysia, inihahanda na

Image
INIHAHANDA na ang bulwagan sa Kuala Lumpur, Malaysia para sa kauna-unahang pagtitipon ng Filipino communities and associations sa bansa. Nakatakdang magsalo-salo ang nasa isang libong mga OFW para sa isang masayang Paskong Pinoy sa Malaysia. Gaganapin ito sa Premiera Hotel Kuala Lumpur, Malaysia. Sa pangunguna ng SMNI Honorary Chairman Pastor Apollo C. Quiboloy , naglalakihang mga papremyo at mga regalo ang naghihintay para sa mga makabagong bayani ang inaasahan. Magtatagisan din ang mga Pinoy worker sa pagsasayaw, pagkanta at mayroon ding palaro na handog para sa kanila. Abangan sa SMNI ang full coverage ng masayang Pasko para sa mga overseas Filipino sa Malaysia. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Pang. Marcos, nagbigay ng P200K sa bawat inspiring OFW

Image
NAGBIGAY ng tig-P200,000 grant si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa siyam na inspiring overseas Filipino workers (OFWs) sa isinagawang 2022 Kabayan Awards ng Go Negosyo. Ang nasabing cash reward ay inanunsyo ni First Lady Louise ‘Liza’ Araneta-Marcos na dumalo sa nasabing kaganapan sa SM Mall of Asia sa Pasay City ngayong Sabado, Disyembre 3. “Pinapasabi ho ng asawa ko na meron siyang bonus sa mga awardees na tig-P200,000 each. Merry Christmas, everybody. Thank you to the awardees. Congratulations,” pahayag ng First Lady. Kabilang sa ginawaran bilang inspiring OFWs sa 2022 Kabayan Awards ay sina Alvin Esperida ng Bodega ni Tatay, Angelito Castro ng Angel Castro Aqua Ventures, Madel delos Santos ng Ledam’s Collections Company, Mark Durotan ng Diko’s Food Processing & Diko’s Integrated Farm, Marvin Intal ng Intal Garments, at Elpidia Abel na isang aktibong OFW ng 30 taon. Nakatanggap naman bilang ‘Honorary OFW’ awardees sina Anthony Leuterio ng Filipino Homes, Je...

Printing ng mga balota para sa plebesito sa Baliwag, Bulacan, nagsimula na

Image
Nagsimula nang maglimbag ng mga balota ang National Printing Office (NPO) na gagamitin para sa paparating na plebesito sa Baliwag, Bulacan. Sa media tour na ginawa sa NPO, makikita na abala ang mga staff sa printing ng mga balota at iba pang accountable forms na gagamitin ngayong December 17. Isasagawa ang plebesito para malaman ang pasya ng mga residente kung payag ba silang gawing siyudad ang munisipalidad ng Baliwag. Mahigit sa 108,000 na mga balota ang kailangang malimbag ng Comelec at subjected ang mga ito sa quality at quantity check. Bukod sa Bulacan, naunang nagsagawa ang COMELEC ng plebesito sa Maguindanao, Calaca Batangas, at Ormoc City sa Leyte. Follow SMNI News on Twitter

Thailand, maglulunsad ng bagong farming model sa Dec. 5

Image
MAGLULUNSAD ng bagong farming model ang Thailand sa Disyembre 5 . Inihayag ni Interior Permanent Secretary Suttipong na ang modelong ito ay sinubukan sa Ban Phran Bun, sa Ubon Rachatchani Muang District. Ayon kay Suttipong, ilulunsad ang proyektong ito kasabay ng kaarawan ng dating hari ng bansa na si King Bhumibol Adulyadej. Ang Khok Nong na model ay isang agricultural concept na base sa New Theory of Agriculture at Sufficiency Economy Philosophy. Sa ilalim ng model na ito, ang lupa ay nahahati sa apat na parte at ang bawat isa nito ay may kanya-kanyang gamit. Dagdag pa ni Suttipong, ang model na ito ay base sa indigenous practice at nakakatulong na makaiwas sa soil degradation mula sa paulit-ulit na pagtatanim. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Japan, wagi sa Group E Category ng FIFA World Cup

Image
PINADAPA ng Japan ang isa sa team na pinakapaborito ng manonood sa World Cup, ang Spain. Dahil dito pasok na ang Asian Team sa round of 16 games ng World Cup. Natalo ng Japan ang isa sa World Cup favorite na Spain sa iskor na 2-1 kahapon na nagbigay daan dito para manalo sa Group E Category. Dahil dito sigurado na ang pagkapasok ng Japan sa round of 16 games. Hindi naging madali ang laro na ito para sa Japan matapos maka-goal si Alvaro Morata ng Spain sa ika-11 minuto ng laro. Sa kabila nito hindi naman nawalan ng pag-asa ang Japan kung saan bumawi ng kontrobersyal na goal si Ritsu Doan sa second half ng laro. Hindi inaasahan ng Germany na papayagan ang kakaibang goal na ito mula sa Japan matapos sipain ni Doan ang bola gamit ang kanyang kaliwang paa na dumaan kay Unai Simon ng Spain bago pumasok sa net. Ayon sa rule, ang bola ay kinakailangang lumagpas sa line para maikunsiderang out pero matapos ang var check, nakita na pumasok ang bola at counted ang goal na ito para sa Ja...