National Support Unit ng PNP, tutulong sa imbestigasyon sa mga nawawalang sabungero

PINATUTULONG ng Philippine National Police (PNP) ang National Support Unit (NSU) sa imbestigasyon sa mga nawawalang sabungero.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na makakatuwang ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang NSU upang maresolba ang pagkawala ng 34 na sabungero.
Nitong nakaraang linggo, sinampahan ng PNP ng kasong kidnapping at serious illegal detention ang 2 suspek sa ‘secret’ cellphone video, kung saan makikitang nakaposas ang biktima na si Michael Bautista.
Pinangalanan bilang respondents sina Julie Patidongan, alyas Dondon na umano’y staff sa isang farm sa Brgy. Palasan, Sta. Cruz, Laguna at isang John Doe.
Samantala, aminado si Azurin na may namo-monitor pa rin silang operasyon ng online sabong kaya inatasan niya ang lahat ng regional director na tukuyin ang mga nasa likod ng iligal na gawain.
Comments
Post a Comment