Japan, wagi sa Group E Category ng FIFA World Cup

PINADAPA ng Japan ang isa sa team na pinakapaborito ng manonood sa World Cup, ang Spain.

Dahil dito pasok na ang Asian Team sa round of 16 games ng World Cup.

Natalo ng Japan ang isa sa World Cup favorite na Spain sa iskor na 2-1 kahapon na nagbigay daan dito para manalo sa Group E Category.

Dahil dito sigurado na ang pagkapasok ng Japan sa round of 16 games.

Hindi naging madali ang laro na ito para sa Japan matapos maka-goal si Alvaro Morata ng Spain sa ika-11 minuto ng laro.

Sa kabila nito hindi naman nawalan ng pag-asa ang Japan kung saan bumawi ng kontrobersyal na goal si Ritsu Doan sa second half ng laro.

Hindi inaasahan ng Germany na papayagan ang kakaibang goal na ito mula sa Japan matapos sipain ni Doan ang bola gamit ang kanyang kaliwang paa na dumaan kay Unai Simon ng Spain bago pumasok sa net.

Ayon sa rule, ang bola ay kinakailangang lumagpas sa line para maikunsiderang out pero matapos ang var check, nakita na pumasok ang bola at counted ang goal na ito para sa Japan.

Hindi pa rito natatapos ang pag-atake ng Japan matapos makapasok ng goal ang ikalawang goal ng Japan mula kay Ao Tanaka sa second half pa rin ng laro.

Sa kabila ng pagkatalo ng Spain ay pasok pa rin ito sa round of 16 games at maghihintay na ng kalaban mula sa Group H at Group G kasama ang Japan.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon