Bay Area Dragons, kauna-unahang koponan na pasok sa semifinals ng PBA playoffs

PANALO ang Bay Area Dragons kontra Rain or Shine Elasto Painters sa iskor na 126-96 sa nagpapatuloy na PBA playoffs.

Sa kabila ito ng pagkakaroon ng foot injury ni Myles Powell, ang kanilang point guard na American import.

Dahil sa naturang pagkapanalo, ang Bay Area ang kauna-unahang koponan na pasok sa semi-finals ng PBA playoffs.

Kasabay nito, naniniwala na rin si Bay Area Dragons Head Coach Brian Goorjian na makaka-recover na si Powell bago isagawa ang semi-finals sa December 14 o December 16 at makakalaro na muli ito para sa koponan.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo