Nakakamatay na E.coli bacteria, nakita sa nasabat na smuggled white onions –DA

BINALAAN ng Department of Agriculture (DA) ang publiko laban sa pagtangkilik sa mga smuggled na agricultural products.
Ito ay matapos lumabas ang resulta ng phytosanitary inspection ng Bureau of Customs (BOC) sa mga nasabat na milyong-milyong pisong halaga ng smuggled white onions sa Maynila kamakailan.
Ayon kay Agriculture Deputy spokesperson Rex Estoperez, natuklasan sa pagsusuri na may E.coli bacteria ang mga smuggled na puting sibuyas.
Ito ang dahilan kung bakit hindi nila itinuloy ang una nilang plano na ibenta ang mga ito sa mga Kadiwa store.
Ang E.coli bacteria ay nakukuha mula sa mga kontaminadong pagkain o tubig na mapanganib sa kalusugan ng tao lalo na sa mga bata.
Maaring magdulot ng diarrhea o pananakit ng tiyan at pagsusuka ang sinuman na may E.coli bacteria sa loob ng katawan.
Posible ring maapektuhan ang kidney at maaring magdulot ng pagkasawi.
Ang nakitang E.coli bacteria sa smuggled puting sibuyas ay hindi nalalayo sa water quality na nasuri noon sa Boracay.
Dahil dito nanawagan ang DA sa publiko na itigil na ang pagbili ng mga smuggled white onions sa supermarket at online stores.
Comments
Post a Comment