Pang. Marcos, nagbigay ng P200K sa bawat inspiring OFW

NAGBIGAY ng tig-P200,000 grant si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa siyam na inspiring overseas Filipino workers (OFWs) sa isinagawang 2022 Kabayan Awards ng Go Negosyo.
Ang nasabing cash reward ay inanunsyo ni First Lady Louise ‘Liza’ Araneta-Marcos na dumalo sa nasabing kaganapan sa SM Mall of Asia sa Pasay City ngayong Sabado, Disyembre 3.
“Pinapasabi ho ng asawa ko na meron siyang bonus sa mga awardees na tig-P200,000 each. Merry Christmas, everybody. Thank you to the awardees. Congratulations,” pahayag ng First Lady.
Kabilang sa ginawaran bilang inspiring OFWs sa 2022 Kabayan Awards ay sina Alvin Esperida ng Bodega ni Tatay, Angelito Castro ng Angel Castro Aqua Ventures, Madel delos Santos ng Ledam’s Collections Company, Mark Durotan ng Diko’s Food Processing & Diko’s Integrated Farm, Marvin Intal ng Intal Garments, at Elpidia Abel na isang aktibong OFW ng 30 taon.
Nakatanggap naman bilang ‘Honorary OFW’ awardees sina Anthony Leuterio ng Filipino Homes, Jeffrey Guansing ng Team Harabas, at Malou Prado ng MPQ Travel & Tourism Dubai.
Tema naman ng Kabayan 2022 ang “Kabuhayan, Kinabukasan, at Kaagapay ng Pamilyang OFW.”
Nagpaabot naman ng buong suporta si Pangulong Marcos para sa mga OFW na nakipagsapalaran sa pagnenegosyo.
Layon ni Pangulong Marcos para sa OFWs na magiging ‘choice’ na lamang ang pagtatrabaho abroad at hindi ‘necessity’ sa pamamagitan ng pagnenegosyo.
BASAHIN: 8 OFWs na biktima ng ‘Golden Triangle’ syndicate, napauwi ng bansa
Comments
Post a Comment